JONES HUMANITARIAN MISSION NG CLR 45-TFOE/GIBFI SA ISABELA KASADO NA SA AGOSTO 31-SETYEMBRE 1

KASADO na ang pagdaraos ng kauna-unahang higanteng humanitarian mission sa Norte ng bansa na isang outreach program sa lalawigan ng Isabela na ikakasa ng Central Luzon Region (CLR) 45- The Fraternal Order of Eagles (TFOE)-Philippine Eagles, Inc. (PEI) at Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. (GIBFI) sa pamumuno ni Governor/Chairman Rafael Agcaoili.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

8/20/20242 min read

KASADO na ang pagdaraos ng kauna-unahang higanteng humanitarian mission sa Norte ng bansa na isang outreach program sa lalawigan ng Isabela na ikakasa ng Central Luzon Region (CLR) 45- The Fraternal Order of Eagles (TFOE)-Philippine Eagles, Inc. (PEI) at Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. (GIBFI) sa pamumuno ni Governor/Chairman Rafael Agcaoili.

"Ikinagagalak ng inyong lingkod na ayon sa feedback mula sa mga taal na Jonesians na libu-libong mamamayan at pamilya ang naghihintay na ating mapaglingkuran na posibleng malagpasan pa ang record participation sa idinaos sa humanitarian mission sa lalawigan ng Abra noong nakaraang taon after ng mapaminsalang lindol sa norte. See you in Jones", pahayag ng United Nations humanitarian champion awardee na si GIBFI chairman/CLR 45 governor Agcaoili.

Ang naturang magiging markadong kaganapan ay naiselyo sa pag- courtesy call ni dating Jones Sangguniang Bayan member JR ' Barbas' Vallejo sa tanggapan ni CLR 45 / GIBFI Gov. / Chair. Agcaoili kamakailan sa Sucat, Parañaque City.

" Finally, isang napakahalagang balita ito sa minamahal kong kababayang Jonesians. Isang di masusukat na kagalakan ang aking nadarama dahil matutupad na rin ang tampok sa aking mithiing mapaglingkuran ang aking mga kababayan sa pamamagitan ng misyong humanitarian na medical at feeding program na iko-conduct ng ating mga KUYA sa Eagles sa pamumuno ni Governor Agcaoili na maserbisyuhan mula bata, adults, senior citizens sa pamamagitan ng libreng check-up ng mga dalubhasang doktor, pamigay na gamot na angkop sa pasyente at feeding sa mga bata na inaasahang dadagsa sa dalawang araw na misyon sa aking mahal na ka-ilian," wika ni former SB 'Barbas na subok na sa paglilingkod sa kababayan nasa katungkulan man o abala sa mga gawaing serbisyong bayan sa kanyang pribadong kakayahan.

"It's all systems go para sa pagdaraos ng ating ikinasa nang medical mission/ feeding program sa bayan ng Jones, lalawigan ng Isabela na kahit gaano kalayo ay ating mararating mapagsilbihan lang ang mga kababayan natin. Sa ating pakikipag-ugnayan sa Provincial LGU ay nakatitiyak na tayo ng isang matagumpay na adbokasiya sa lalawigan sa pamumuno doon ni former SB (Councilor) Kuya JR 'Barbas' Vallejo na isang taal na Eagle na lingkod-bayan kaagapay ang lahat ng KUYA sa kanyang balwarte", pahayag ng natatanging Pilipino na ginawaran ng kaukulang pagkilala ng United Nations dahil sa pagtulong niya sa mga kababayan ng walang hangad na kapalit at bukal sa kalooban).

Ang Jones, Isabela Medical Mission-Feeding Program ay itinakda sa Agosto 31- Setyembre 1 kung kaya ngayon pa lang ay simula na ng komprehebsibong preparasyon para sa higante at makataong kaganapan tulad ng mga nairaos na sa lalawigan ng Abra (apektado ng mapaminsalang lindol), Mangatarem Pangasinan, Comillas, La Paz, Tarlac, San Pablo City, mga Distrito sa Kamaynilaan, Passi City at San Enrique sa Iloilo, Roxas, Bacolod, Talisay at iba pa pati na ang mga nakaplanong misyon sa Kamindanaoan.

Kaagapay ni Kuya Barbas sa Jones na itinataguyod ng Raedang International Builders and Developer, Inc. sina BM Fourth District Clifford Raspado at BM Fourth District Victor Dy.