JRC, DMC at JC2...BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC
INIHAHANDOG ng The Black Box by Jump Recreational Center, DMC Sportswear at JC2 Architecture Studio para sa mga bata ang BASKETBALL SUMMER CUP 2024 na aarangkada sa Mayo 25.
SPORTS
Danny Simon
5/16/20241 min read


INIHAHANDOG ng The Black Box by Jump Recreational Center, DMC Sportswear at JC2 Architecture Studio para sa mga bata ang BASKETBALL SUMMER CUP 2024 na aarangkada sa Mayo 25.
Ang kaganapan ay bukas para sa mga batang babae at lalaki na edad 6 hanggang 12 kung saan ay matuturuan sila ng mga basic at innovative na kaalaman sa larong basketball.
Limitado ang slots para sa mga lalahok kung kaya kinakilangan ang maagang pagpapalista at ang registration fee ay P 6, 000 lang inklusibo dito ang basketball training jersey, 10-day sessions, photos at videos. Ang aktwal na clinic ay magmula 10 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.
Sina Coach Anzai at Hamtime ang may timon sa espesyal na cage event ayon kay JC2 top honcho Architect Jayzee G. Celestial.
" Start 'em young, inaaanyayahan natin ang mga batang may potential na talento sa larangan ng basketball. See you kids on May 25 at #40, 6th St. New Manila", wika ni basketball enthusiast, team owner Celestial.
Para sa dagdag detalye, kumontak sa 09176271534.
Coach Amzai


JC2 team owner Archi Celestial
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato