Judoka Watanabe, 2 swimmers dagdag pang Pinoy Olympians sa Paris Olympics

TATLO pa ang dumagdag na atleta sa Philippine delegation patungong Paris Olympics ayon sa Philippine Olympic Committee.

SPORTS

Danny Simon

6/25/20241 min read

TATLO pa ang dumagdag na atleta sa Philippine delegation patungong Paris Olympics ayon sa Philippine Olympic Committee.

Inihayag ng pamunuan ng Philippine Aquatics , Inc.ang pagkapili kina swimmers Kayla Sanches, Harold Hatch habang nag-qualify din si judoka Kiyomi Watanabe para makuha ang ticket sa parating na Summer Games.

Si Sanchez, na nagpalit ng nationality mula Canada dalawang taon ang nakalipas, ay sasabak sa women’s 100 meters freestyle habang si Hatch kwalipikado para sa men’s 100 butterfly. Ang Fil-Canadian, Sanches nagwagi ng silver sa 4x100m freestyle at bronze sa 4x100m medley sa Team Canada sa 2020 Tokyo Olympics.

Samantala, si Watanabe, ay nasa kanyang pangalawang magkasunod na Olympics matapos makapasok sa pamamagitan ng continental qualification route sa women’s 63 kgs.

Posible pang mahigitan ng Philippine delegation ang 19-athlete mark na ipinadala ng bansa sa Tokyo, kung saan si weightlifter Hidilyn Diaz ay gumawa ng kasaysyan na nagwagi ng ginto.

Ang iba pang Filipino qualifiers para sa Paris ay sina weightlifters Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Elreen Ando; boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial; rower Joanie Delgaco; fencer Samantha Catantan; at gymnasts Carlos Yulo, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.