IN GOD WE TRUST

JUEGO TODO, CUEVAS AT TANAY SIKARAN

NO dull moment talaga ang larangan ng Sikaran para kay Master Crisanto Cuevas-ang legit na pinuno ng naturang larangang na napapasikat niya na rin sa buong daigdig ng martial arts.

SPORTS

ni Danny Simon

3/16/20261 min read

NO dull moment talaga ang larangan ng Sikaran para kay Master Crisanto Cuevas-ang legit na pinuno ng naturang larangang na napapasikat niya na rin sa buong daigdig ng martial arts.

Itong taon 2026 ay puno agad ng aksiyon ang larangang kanyang pinamumunuan hindi lang sa bakbakan kundi pangkawanggawa din at pagmamahal sa mga kabataang bahagi ng kanyang buhay- sikaran at espesyal na trato para sa mga batang katutubo.

Aking nakapanayam sa kanyang socmed platform ang multi-awardee at hall of famer mula mga respetadongvaward - giving bodies sa USA, Europe, India atbp. at kanyang idinetalye ang mga nakahelerang kaganapan tampok ang prestihiyong mapiling Pinoy team ang kanyang Sikaran Tanay na sasabak sa tanyag na Juego Todo sa Estados Unidos. Narito ang kanyang lahad .

“Celebration ng birthday ko diyan sa Pilipinas, mag-feeding program ako sa Upland Barangay sa Tinucan,Tanay, Rizal, ang mga batang katutubo ang napili kong pakainin sila ng Jollibee para naman matuwa ang mga bata. Ang Tanay Sikaran officers ang mag-aasikaso katuwang si Konsehal Roger Catolos .

Regarding sa National Tournament sa June 12 at 13, nagte-training nang mabuti ang mga players ng Raven Sikaran Tanay para sa mga puntiryang medalyang Ginto.

Magandang balita para sa mga Sikaranista .

Kaming Tanay Sikaran ang mag -represent sa bagong Hybrid Combat Sports na sikat na sikat ngayong JUEGO TODO kaya isang malaking karangalan ang madala ko ang Sikaran sa mundo ng Juego Todo. Pinipilit man tayong pabagsakin ng mga naiinggit , patuloy kong dadalhin ang Sikaran sa tuktok ng tagumpay alang- alang sa mga kabataan,” punumpuno ng determinasyong pahayag sa kalatas ni Cuevas.

Kaya kayong mga di natutuwa sa mga makabuluhang gawa para sa Sikaran ni Master Cuevas, itigil na ang ngawa at dapat ay matuwa dahil ang karangalan ng Pilipino ay dangal niyo rin..MISMO!