IN GOD WE TRUST

JUNIOR IS LORD (JIL)?

ISA sa may pinakamalaking kongregasyonng mga panatiko sa relihiyon sa bansa ay ang Jesus Is Lord o JIL.

OPINION

DANNY SIMON

6/16/20262 min read

ISA sa may pinakamalaking kongregasyonng mga panatiko sa relihiyon sa bansa ay ang Jesus Is Lord o JIL.

Tulad ng ibang dambuhalang sekta na bagama’t di dapat nakikialam sa politika sa Pilipinas ay kaya nilang maging kingmaker kapag naging solido ang boto.

Kaya nga nagkaroon ng Senador, Kongresista, Party List at sumubok pang magkaroon ng presidente ng bansa ang JIL.

Malaki ang utang na loob ni Senator Joel Villanueva sa kanilang milyong tagasunod sa JIL pati rin sa ibang relihiyon at masang Pilipino kaya siya naluklok sa trono.

Sa kasalukuyang sigalot sa liderato sa Senado, nakasangga si SJV sa paksiyong ang layunin ay maibalik ang trilyones na salapi ng bayan na kinamkam ng iilang politiko lamang na dapat ay pinakikinabangan ng sambayanan. Dahil me naging hudas sa mga mambabatas ang trese - onse ay naging kompiyang dose kaya kung makukuha sa bulong ni Taning ang pinagpipitagang Pastor na Senador ay maghahalakhakan na ang mga demonyo dahil maliligtas at matatakpan ang maitim na kagagawan ng mga kawatan.

Hangga’t may linaw pa ang utak mahal na sugong anghel ng JIL, Huwag MAMANGINOON sa taong ang sinasamba ay salapi kahit di sa kanya.

Sundin ang sambayanan kesa mga kawatang matagal nang pinagsamantalahan ang bayan.

SI HESUS lang ang PANGINOON ng sangkatauhan noon at ngayon hindi ang Dayunyor na nagkalat ng horror sa pobreng ‘Pinas… MAG-ISIP KA Dear Senator ABANGAN!

**** Child Chess Sensation Banawa, nag-uwi ng 3 golds sa Gapo chess tilt ,Singapore ang sunod na misyon

Matapos manalo sa 2026 National Age Group Chess Championship sa Under-8 Girls Division, sa Standard, Rapid, at Blitz na ginanap sa Olongapo City nitong weekend, ang limang taong gulang na si Jodiel Chloe Banawa—anak ni International Master Joel Banawa—ay nakatakda nang sumabak sa paparating na ika-24 ASEAN + Age-Group Chess Championships. Ang nasabing paligsahan ay gaganapin sa Agosto 7–17, 2026 sa Our Tampines Hub, Singapore.

Sa tulong ni Alicia, Isabela Mayor Atty. Joel Amos P. Alejandro, ang incoming Grade 1 pupil ng San Juan Elementary School ng Alicia, Isabela ay nagpakita ng kahusayan sa larong Standard kung saan nakapagtala siya ng limang panalo at isang pagkatalo.

Tinalo niya ang lahat ng kanyang nakalaban sa mga larong Rapid at Blitz kung kaya’t nakamit niya ang perpektong iskor na 5.0 puntos sa parehong kategorya. Sa kabuuan, umipon si Jodiel Chloe ng 15.0 puntos—tig-5.0 puntos sa bawat kategorya: Standard, Rapid, at Blitz.

“Ang aking limang taong gulang na anak na si Jodiel Chloe ay nagwagi ng tatlong titulo matapos manalo rin sa larong Blitz na may iskor na 5 panalo laban sa mga pinakamahuhusay na manlalaro sa Pilipinas!!! Matapos ang pagkapanalo sa pambansang titulo sa Rapid at Standard, nasungkit din niya ang huling bahagi ng paligsahan!!! Hindi ko maunawaan kung paano siya nag-iisip ngunit naiiba ito. Ang makipagtagisan sa mga manlalarong mas matanda ng dalawa hanggang tatlong taon at sa murang edad ay nakapagpaplano pa ng higit sa limang galaw ay talagang kahanga-hanga,” pahayag ng ipinagmamalaking ama na si IM Joel.

“Lubos akong natutuwa sa aking tagumpay dahil halos lahat ng mga nangungunang manlalaro sa Pilipinas, mga karatig-lalawigan, at maging mula sa Metro Manila ay lumahok sa paligsahan,” ani Jodiel Chloe.

“Nais kong magpasalamat sa aking magulang at kay Mayor Atty. Joel Amos P. Alejandro ng Alicia, Isabela sa pagtulong at pagsuporta upang makasali ako sa kaganapang ito,” dagdag pa niya.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...