IN GOD WE TRUST
KA-GILAS I'M BACK!
MARAMI nang nagawa ang inyong 'Sports Cafe' particular sa larangan ng basketball na aking first love sa laro at camaraderie mula musmos hanggang juvenile,adults at seniors na mahilig sa buslong-bola.
SPORTS
Ni Alex Wang
11/13/20261 min read


MARAMI nang nagawa ang inyong 'Sports Cafe' partikular sa larangan ng basketball na aking first love sa laro at camaraderie mula musmos hanggang juvenile, adults at seniors na mahilig sa buslong-bola.
Marami na silang naka-slambang ng Sports Cafe sa hardcourt,nakadribol ng bantay -sarado, nakasyuting.nakapuno ng istats sa scorebook hanggang beksyut na lang.
May mga pinalad na magtagumpay bilang basketbolista,umangat sa collegiate hanggang maging pro dahil sa munting tulong at kalinga ng inyong abang lingkod sa loob ng tatlong dekada na ang tanging konsolasyon ay nakita silang nasa pedestal ng tagumpay at marunong lumingon upang magpasalamat tulad nang makapagturo rin sila sa mga bata.
Imagine, 30-long years of basketball,they come and go habang ako ay narito pa rin sa hardcourt at patuloy na nkikipag- jamming sa hardwood dahil kaya pa ng tuhod kahit nasa liyebo sisenta na ang inyong Mister Wang.
Heto pa't nakikiusap ang mga kid cagers na mahasa ang kanilang basic na kaalaman sa basketbol.
Pero sa aking sapantaha ay panahon na para matuon ang ating atensiyon sa ibang larangan na potensyal na makapagbibigay naman ng karangalan sa bansa.
Nariyan ang Tennis na nag-produce ng isang tunay na bayani sa katauhan ni Alex Eala.
Plano ng korner na ito na makatuklas ng mga kabataang lalaki at babae na kayang maging elite player sa hinaharap na susunod sa kanyang yapak.
Nariyan ang gymnastics at wrestling na nakapag-alay na ng Olympic gold para sa Pilipinas. Di mawawala ang boxing,taekwondo at MMA.
Nariyan din ang sumisibol na Pickelball at umaasenso na ang larong KENDO.
Marami pa tayong pagkukuwentuhan..Ang inyong Sports Cafe AlexWang is back with a bang..ABANGAN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, ParaƱaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
