KAARAWAN NI PACMAN
IBA na ang dakila.Lahat ng biyaya, paghanga, paggalang at pagkilala sa daigdig ay nakamit na sa buhay.
SPORTS
DANNY SIMON
12/16/20252 min read


IBA na ang dakila. Lahat ng biyaya, paghanga, paggalang at pagkilala sa daigdig ay nakamit na sa buhay.
From rugs to riches ang klasikong kasaysayan ng greatest Filipino gem sa larangan ng sports na kinilala sa buong planeta.
Si Senator Emmanuel (Manny) D. Pacquiao na hinirang at tiningala ng buong mundo bilang record 8 -division world boxing champion ay ginawaran pa kamakailan bilang pinakadakilang mandirigma sa kuwadradong lona ng buong siglo.
" The legacy is complete. Manny Pacquiao has been named FIGHTER OF THE CENTURY by the World Boxing Council, adding the sport's ultimate honor to his resume after already winning multiple Fighter of the Year awards and being crowned Fighter of the Decade for the 2000's.
Suwerte sa ina , sa kabiyak mga anak at mga kaibigan, Si Pacman nakatikim ng sobŕang hirap ng buhay noong bata pa siya, ay labis ang sagana ng buhay ngayon kung saan ay naise-share niya ang biyayang aniya ay galing sa DIYOS sa mga less fortunate niyang kababayan partikular din ang mga nasa larangan ng sports na di pinalad matupad ang ambisyon pati na iyong mga nagkampeon na yumaman at sumikat pansamatala ay iginuho ng bisyo at naubos ang perang napundar noong prime pa at lango sa tagumpay. Tinulungan sila ni Pacman para makabangon sa buhay.


Dahil si Pacquiao ay marunong sa money management kaya sa span ng kanyang buhay ay di na matutuyo ang balon ng yaman nito lalo pa't may paparating siyang ultimate na laban na magtatala ng kasaysayang 9th title at oldest champion.
Pinaka-espesyal na regalo sa KAARAWAN ngayon ni PACMAN ay ang malusog pa rin niyang pangangatawan,suporta ng pamilya at kaibigan at alam niyang mahal siya ng POONG MAYKAPAL.
Para kay champ Manny, ang edad nya ngayon ay numero lang dahil di siya igugupo ng panahon at aalingawngaw pa rin si Pacman sa pagpasok ng taong 2026.Tiyak na babaha ang mga pagbati sa ating PAMBANSANG KAMAO mula sa buong mundo, sa tri-media at socmed op kors from UPPERCUT at ang mga Mexicano na di na galit sa kanya.Poot sila noon dahil sa pagdomina niya sa kanilang dakilang fighters kaya sya tinawag na MEXECUTIONER na nagpagulong kina Baŕrera,Morales,Diaz, Margarito , Dela Hoya at iba pa.
Of course pagbati sa ating kampeon mula sa kanyang mabuting kaibigan na si Mgr. Leomabell W.Velandria - mall operation head ng Robinson's General Santos City gayundin kay colleague PIO chief Rombel Catolico...HBD MP!Gandang Gensan..WOW!




Peoples Champ Manny Pacquiao mural painting by Danny Sìmon and kid artists.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
