KABAYAN PARTY LIST AT 'BARBAS' VALLEJO: TULONG PINANSYAL SA ASPETONG MEDICAL PARA SA JONESIANS SA ISABELA

NAGKALOOB ng tulong-pinansyal para sa medical na aspeto ang KABAYAN Party List para sa mamayan ng lalawigan ng Isabela partikular sa bayan ng Jones.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

9/8/20241 min read

NAGKALOOB ng tulong-pinansyal para sa medical na aspeto ang KABAYAN Party List para sa mamayan ng lalawigan ng Isabela partikular sa bayan ng Jones.

Ang naturang assistance ng KABAYAN ay ipinagkaloob sa pamamagitan ni dating Jones Sangguniang Bayan member JR "Barbas" Vallejo para sa kanyang kababayan kung saan ang kalusugan ng mga tao ang pangunahingbenepisyaryo.

Ang tulong ay ilalagak sa Southern Isabela Medical Center ( SIMC) na naglalayong magamit pantustos sa kaukulang billing at para sa laboratoryo ng mga outpatient at in-patient.

"Sa nga kababayan ko sa Jones,mayrooon po tayong assistance na tutustos sa billing ng mga pasyente sa SIMC pati po sa laborarory needs na aside po sa kaukulang tulong ng ating butihing Congressman Joseph Salvador Tan, buong kagalakang anunsiyo ni businessman/ public servant / humanitarian advocate Barbas Vallejo.

" Sa atin pong mga kabayan sa Jones, Isabela,partikular sa mga nangangailangan ng ayudang medical punta po kayo sa SIMC , ako po ay tutulong sa pamamagitan ng pondong ayuda mula sa national government sa pagsisikap ng ating Kabayan Party List Representative Rey Salo", ani pa Vallejo.

Kamakailan lang ay nag-host ang kilalang lingkod - bayan (nasa poder man o pribadong kapasidad) na si 'Kuya Barbas' ng higanteng kaganapang pang-humanitarian sa kanyang kabayan sa Jones sa pamamagitan ng Medical Mission( libreng konsulta at gamot) at Feeding Progran na libu- libong pamilya ang nabiyayaan katuwang ang CLR45 The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles Inc. sa pamumuno ni Governor Rafael Agcaoili, chairman din ng Guardians International Btotherhood Foundation , Inc. (GIBFI).

Si dating Jones SB member JR 'Barbas' Vallejo kasama si CLR 45 TFOE Gov. Rafael Agcaoili at buong tropang Eagles sa isinagawang Medical Mission at Feeding Program kamakailan sa Jones, Isabela.