Kahit sa panahon ng kampanya.... SEN. PIA PATULOY ANG BASBAS SA PADEL PILIPINAS
BAGAMA'T popokus na si Senator Pia Cayetano sa kanyang senatorial reelection bid para sa 2025 national midterm election, di nàman huhupa at tuluy-tuloy pa rin ang todo- suporta niya sa kanyang mga atleta sa Padel Pilipinas.
OPINION
Danny Simon
12/12/20242 min read


BAGAMA'T popokus na si Senator Pia Cayetano sa kanyang senatorial reelection bid para sa 2025 national midterm election, di nàman huhupa at tuluy-tuloy pa rin ang todo- suporta niya sa kanyang mga atleta sa Padel Pilipinas.
Ang tanyag na sports figure/ public servant par excellence na si Senator Pia ay lalarga na sa kanyang nationwide campaign sa maagang bahagi ng taong 2025 kung saan ang opisyal na kampanya ay raratsada na sa Pebrero hanggang Mayo tungo sa kanyang tagumpay para sa susunod na August Chamber.
"Mapopokus muna ang aking oras sa nationwide campaign pero di pa rin mawawala ang aking atensyon sa pagsuporta sa ating mga pambatong lalaki at babaeng padelista na naghahàndog ng karangalan sa bansa.Nailatag na ang lahat ng sistema at kaya na nilang iimplementa ang ating mga programa magmula sa preparasyon hanggang kumpetisyon partikular sa international na eksena,tuloy ang kanilang pakitang -gilas!," wika ng founder ng Padel Pilipinas lady senator Cayetano.
Ilalatag na rin ng Padel Pilipinas ang mga nakakalendaryo na pagdayo sa pàgpasok ng taong 2025.
Noong Lunes ay pinarangalan sa plenaryo ang 2 Pinay na nagpasiklab sa internasyunal na hatawan sa padel ng mga Senador sa pangunguna ni Sen. Pia Cayetano dahil sa kagitingan ng ating Pinoy paddlewielders ng Padel Pilipinas na nag-uwi ng karangalan sa bansa mula sa kanilang pagsabak sa abroad at dinomina ang mga best of the best padelista sa kontinente.
Kasunod nito ang kaukulang resolusyon ng mga Senador ng Republika bilang rekognisyon sa kabayanihan ng mag-tandem sa padel na sina Taw Yee Tan at Marian Capadocia mula sa kanilang makasaysayang 2- time championship wins bilang All-Filipina sa prestihiyosong Asia Pacific Padel Tour(APPT) pati na ang kanilang silver-fìnish sa Asia Pacific Padel Cup (APPC).
Bukod kina Tan, at Capadocia, nasa plenaryo rin ng parangal sina Padel Pilipinas Secretary-General Atty. Duane Santos, Head Coach Bryan Casao, at iba pang miyembro ng national team na kinabibilangan nina LA Canizares, Derrick Santos, Raymark “Mac” Gulfo, Abdulqohar “Qoqo” Allian, Joseph Serra, Bryan Saarenas, Johnny Arcilla, Princess Naquila, at Yam Garsin.
" Ikinalulugod ng inyong lingkod pati na ng sambayanan ang dulot na karangalan ng ating mga pambatong padel athletes na nagpapakitang-gilas sa international na kumpetisyon na tiyak pang masusundan sa future tilts abroad bitbit ang bandera ng Pilipinas",wika ni Sènator Pia na kilalang epektibong mambabatas at sports enthusiast.
" Ating suportahan ang Filipinò athletes at lahat ng sports na kayang mag-excel ang Pinoy partikular ang larangan ng padel,ang tagumpay ay patunay na di lamang sa pag-unlad ng naturang sport sa bansa kundi pati na ang potensiyal ng ating mga atleta na makipagsabayan sa international competitions.Dahil dito,umaasa ang ating Padel Pilipinas na lalo pang mabibigyan ng pansin ang grassroot program,pagdiskubre ng lokal na talento,pagtaguyod ng padel at pagkamit ng tagumpay sa iba pang international na pagsabak," ani pa ng born winner partikular sa politics and sports na si Senadora Pia Cayetano. MISMO!
Lowcut-Special shoutout sa isa sa masugid na suki ng Uppercut na si kaisport na SG Vhergel Divina ng Mc Donalds Libertad..Feliz Navidad Prospero Año Felicidad!




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato