IN GOD WE TRUST
KAILAN NAGIGING KANDIDATO ANG ISANG NAIS TUMAKBO SA BARANGAY AT SK ELECTIONS?
Marami ang nagtatanong kung bawal ba ang isang tao na balak tumakbo sa barangay at SK election na mag project o di kaya ay mag program sa barangay nila. Ano ang bawal, ano ang pwede?
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
8/20/20261 min read


Marami ang nagtatanong kung bawal ba ang isang tao na balak tumakbo sa barangay at SK election na mag project o di kaya ay mag program sa barangay nila. Ano ang bawal, ano ang pwede?
Ang sagot dyan ay depende kung official candidate ka na?
At dahil manual election ang barangay at SK election ay iba ang sagot kung kadidato ka na sa isang automated election.
Sa automated election tulad ng national o local , pag nag file ka na ng certificate of candidacy ay hindi ka pa kandidato. Ituturing kang kandidato kapag nagsimula na ang official campaign period.
Pero sa manual election tulad ng barangay at SK, kandidato ka na upon filing of your certificate of candidacy. At dahil ayon sa COMELEC resolution No. 11177 na ang filing ng candidacy ay September 28, 2026 to October 5, 2026, ay wala pang kadidato ngayon.
LAHAT AY PUMOPORMA PA LANG AT NAGBABALAK. So kung may project ka, go ahead basta wala kang nilalabag na batas.
Pero pag nag file ka na within that filing period , kandidato ka na at maghintay ka na ng official campaign period mula October 22, to October 31, 2026.
So pagnag-file na at kandidato na at tumulong ako sa mga binaha o nasunugan bawal?
Hindi bawal ang tumulong, ang bawal ay premature campaigning. So pag dinemanda ka dahil nakita ka nagpakain sa mga nasalanta ng bagyo, dapat patunayan ng nagdemanda sayo na nangangampanya ka nga.
Halimbawa ay pinatutugtog mo na ang campaign jingle mo habang nag didistribute ng relief goods. O di kaya pinakilala ka at nagtalumpati ka na bilang kandidato. Pero kung tinanong ka lang naman ng tao kung nag file ka na at sinabi mo na ‘Oo’ ay hindi pangangampanya yan.
Importanteng malaman ng isang nagbabalak tumakbo kung kailan siya official candidate. Lalo na pag nag file ka ng statement of contribution at expenses.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
