IN GOD WE TRUST
KALINGA NG CLR 45 / FTOE PH EAGLES INC., UNIVERSAL ALLIANCE OF EAGLES AT RAEDANG SA MGA TAGA-KALINGA KASADO NA!
NAGSANIB puwersa ang Central Luzon Region (CLR) 45 ng The Fraternal Order of Eagles/Philippine Eagles, Inc., Universal Alliance of Eagles, Raedang Group of Companies concerned citizen ng Tabuk sa isang makataong ' mission for a cause' sa malayong lalawigan sa Norte sa unang sigwada ng buwan ng Nobyembre.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
ni Danny Simon
10/31/20262 min read


NAGSANIB puwersa ang Central Luzon Region (CLR) 45 ng The Fraternal Order of Eagles/ Philippine Eagles, Inc., Universal Alliance of Eagles,Raedang Group of Companies concerned citizen ng Tabuk sa isang makataong 'mission for a cause' sa malayong lalawigan sa Norte sa unang sigwada ng buwan ng Nobyembre.
Ayon kay CLR 45 at UAEI top brass Rafael Agcaoili, kasado na ang humanitarian event na Medical Mission at Feeding Program sa dakong hilaga ng bansa partikular sa Barangay Lugoc,Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga sa Noyembre 7-8 ng taong kasalukuyan.
Naging posible din ang kaganapang kumpirmadong dadagsain ng abot sa 10,000 pamilya na mabibiyayaan ng serbiyong medikal at pagkain ang subok na at tanyag sa socio sibikong malasakìt program sa kapwa at kababayan sa Tabuk na si Kuya Atty. Gelacio Bongngat.
Ang naturang organisasyong pang-masa ay lumilibot sa buong bansa upang maipadama sa mamamayan ang kanilang pagmamalasakit at kalinga sa abot ng makakaya.


"Nakaabot na ang ating misyon sa hilaga ng bansa matapos ang mga matagumpay na humanitarian mission sa Kamindanaoan, Kabisayaan Kabikolan, Kamaynilaan na ang kasunod ay ang Kailokanohan sa Norte sa pagsisikap naman ni Atty. Bongngat na sa kanyang balwarte maganap ang humanitarian noble advocacy.Abangan niyo ang aming kalinga sa lalawigan ng Kalinga," wika ni Kuya Gov. Agcaoili.
Suportado rin ang misyon ng Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. at inisponsoran ng AESO Incorporated,Hinobaan Mujin Construction,Inc. at AESO International Trading Corporation na pawang nasa payong ng Readang Group of Companies na pinammunuan no Chairman/CEO Rafael Agbayani Agcaoili, PhD, President Edna Santiago Ongaco at Corporate Secretary Angel Ramos Ongaco.
Di man naghahangad ng anumang kapalit sa kanyang humanitarian na misyon, ang adbokasiya ni Gov Agcaoili ay kinilala ng mga award - giving organization ng gawad, rekognisyon at pagpapatunay ng kanyang lingkod- kapwa tulad ng mga sumusunod:


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
