IN GOD WE TRUST

Kampanya ni Arbois sa Tokyo Marathon ikinasaludo ng Pocari Sweat

NAGPAMALAS ng impresibong kampanya si POCARI Sweat-backed Arlan Arbois, Jr. sa prestihiyosong Tokyo Marathon nitong Linggo.

SPORTS

Danny Simon

3/5/20251 min read

NAGPAMALAS ng impresibong kampanya si POCARI Sweat-backed Arlan Arbois, Jr. sa prestihiyosong Tokyo Marathon nitong Linggo.

Ang 24-anyos 2023 Cambodia Southeast Asian Games silver medalist ay nagtala ng dalawang oras, 24 minuto, at 24 segundo upang angkinin ang ika-125 sa 38,000 kalahok sa 42.195 kilometrong karera, na itinuturing na ikapitong pinakamahirap na marathon sa mundo.

Nalampasan ng tauhan ng Philippine Army ang kanyang dating personal best na 2:26.38 nna naitala sa isang local event noong Disyembre.

Ikinalugod ni Otsuka Pharmaceutical Co., Ltd Philippines President at Managing Director Ken Saito ang matikas na kampanya ni Arbois, gayundin ang ikba pang mga miyembro ng Philippine Team na lumahok sa tournament.

Bilang opisyal na kasangga ng Tokyo Marathon 2025, ang Otsuka Pharmaceutical Co. Ltd ay nakipag-ugnayan sa Philippine Track and Field Association (Patafa) upang masuportahan ang biyahe ng mga Filipino marathoners.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...