Kampeonato overall ng Raven Sikaran sa Aklan National Open.. PUGAY SI MAYOR RM TANJUATCO & COUNCIL NG TANAY

NAGPAABOT ng taos-pusong pasasalamat si Master Crisanto Cuevas- founder / president ng GSF Raven Sikaran Tanay sa mga konsernado at nag-kaloob ng suporta sa mga atletang Sikaran ng bayan ng Tanay sa lalawigan ng Rizal makaraang maiuwi muli ang overall championship ng prestihiyosong Sikaran National Championship 2025 na sumikad sa Kalibo , Aklan kamakailan.

SPORTS

Danny Simon

6/18/20251 min read

NAGPAABOT ng taos-pusong pasasalamat si Master Crisanto Cuevas- founder / president ng GSF Raven Sikaran Tanay sa mga konsernado at nag-kaloob ng suporta sa mga atletang Sikaran ng bayan ng Tanay sa lalawigan ng Rizal makaraang maiuwi muli ang overall championship ng prestihiyosong Sikaran National Championship 2025 na sumikad sa Kalibo , Aklan kamakailan.

Ang local government ng Tanay sa pamumuno ni Mayor RM Tanjuatco ay nagdaos ng pasinaya at kaukulang rekognisyon sa kagitingan ng mga batang atletang sikaran na buong tatag na ipinagtanggol ang kanilang bayan bilang defending champion ng national open sikaran competition sa Aklan.

Ayon kay team delegation head Nicole Catolos,very proud ang pamunuan ng Tanay sa kagitingan ng mga bata kaya marapat lang silang kilalaning bayaning Tanayan para sa bayan pinagyaman ng talento sa naturang traditional sport.

" Maraming salamat sa lahat ng suportang ipinagkaloob sa ating mga magigiting na kabataang atleta ng GSF Raven Sikaran Tanay dahilan upang maipagpatuloy ng mga bata ang winning tradition at ang tagumpày ay taos na inaalay kay Mayor RM Tanjuatco at ng buong Konseho.Gayundin sa provincial LGU ni Gov. Nina Ynares at VG Pining Gatlabayan at kay Congressman Ding Tanjuatco of course sa mga magulang ng ating mga atleta", pahayag ni Cuevas." Motivation is the key".

Ang powerhouse overall champion Tanay squad ay binubuo nina (Black Belt)Sannoel Celestino, Jonel Catolos,Tyron Reyes at Jhessele Mae Tarel sa distaff.

Sa White Belt ay kabilang sina Reynavel Regala, Yhumi Lanna Luklukan , Haley Zendria Canonigo ,Kenzo Lucas Canonigo , Lord Brix Campo ,Sheena Persia ,Mhajo Custodio, Daniel Jacob Buenaventura ,Argie Angeles ,Zeuz Ivadz Matienzo , Vhieniz Ivadz Matienzo ,at Vienuz Ivadz Matienzo.

"Katuwang ng koponan sa panahon ng paghahanda si Councilor- eleçt Roger Catolos", ani pa Cuevas na siya ring secretary -general ng Global Sikaran Foundation na pinamunuan ni founding grandmaster Hari Osias Catolos Banaag na nakabase sa Èstados Unidos.