KAOGMA, VILLAFUERTES, AGUILAR ,URCC AT CATUNAO
MULING magpapasiklab ang URCC MMA sa Kabikulan ngayong bandang katapusan buwan.
OPINION
DANNY SIMON
5/20/20252 min read


MULING magpapasiklab ang URCC MMA sa Kabikulan ngayong bandang katapusan buwan.
Dahilan sa ang mga Villafuerte political powerful clan sa Camsur ay nagsipagwagi muli nitong nakaraang midterm election ay mistulang victory party treat ang lalargang classic fight night na binansagang Kaogma Collision 2 sa Mayo 25 ( Linggo) sa Fuerte Sports Complex, Capitol Grounds, Cadlan, Pili; Camarines Sur.
Sa press conference na ginanap kahapon sa Deftac Gym , Sucat, Parañaque, iprinisinta ang daĺwang protagonista na si Rene Catalan, Jr. kontra Eros Baluyot bilang main event ng 10 fight- card na featured din ang dayuhang kalaban mula South Korea at mga dating Russian Republics na powerhouse sa larangan ng mixed martial arts.
Ang mga Villafuertes na kilalang martial arts enthusiasts ayon ka URCC founder / president Alvin Aguilar kung kaya sa ikalawang pagkakataon ay naimbitahan ang URCC na magpakitang gilas sa Camsur.


HUMARAP sa media ang main event fighters ng URCC MMA Kaogma Collision2 na sina Rene Càtalan,Jr at Èros Baluyot habang nakamasid sa gitna si Founder / Chief Alvin Aguilar sa presscon kahapon na ginanap sa Deftac Gym sa Sucat, Parañaque City. (Kuha ni Menchie Salazar)


Ang mga URCC Pinoy fighters na sasabak sa Kaogma Collission2 na gaganapin sa Pili, Camarines Sur sa Linggo Mayo 25 Fuerte Coliseum.(Kuha ni Menchie Salazar)
" Noong unang edisyon ng URCC sa CamSur ay talaga namang dinagsa ang Fuerte Coliseum ng lokal na fight fans kaya maasahan ng mga Bicolano na makakasaksi silang muli ng world class na kumpetisyon sa ruweda at ating matutunghayang kayang labanan ng sabayan o daigin ng Pinoy fighters ang mga dayuhang MMAers kaya sigaw ng encuentro kibitzers...
BAKBAKAN NA!".pahayag ni Aguilar na todo pasasalamat sa mga kaibigan niyang Villafuertes na nagbigay ng oportunidad sa mga promising fighters na mapasabak sa high level competition ng URCC.
Ilalabas na ni URCC head matchmaker at event officer Aaron Catunao ang bubuuin ng fight card na nakasalalay ang prestige , puntos at ranggo ng ating local warriors kontra dayuhan.
Inaasahan naman ang eksplosibong banggaan nina Catalan , Jr .at mapanganib na si Eros Baluyot na magtutunggali sa unang pagkakataon. BANGGAAN NA!
LOWCUT: Special shoutout kay 2006 Asian Games Doha, Qatar wushu gold medalist Rene Catalan ng Pilipinas - CFS Fighting System.Siya lang naman ang ama ni Rene Jr . na nangangarap na maduplika kundi man malampasan ang tagumpay ng kanyang iniidolong patriarko. Go Rene Jr.,..GO!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato