IN GOD WE TRUST

KAP MANALO: 2026 BANNER YEAR SA BILLIARDS

BALIK-SIGLA ang larangan ng billiards sa bansa nitong nakaraang taon 2025 kung kaya inaasahan ang pagiging banner year nito sa local at internatkonal na sarguhan sa taon 2026.

SPORTS

DANNY SIMON

1/6/20261 min read

BALIK-SIGLA ang larangan ng billiards sa bansa nitong nakaraang taon 2025 kung kaya inaasahan ang pagiging banner year nito sa local at internatkonal na sarguhan sa taon 2026.

Ang daming mahuhusay na bilyarista sa bansa na kinasisindakan sa international stage pero dahil sa kakulangan ng torneong lalahukan sa local tilts at kakapusan ng resources para sumabak sa abroad ay tengga ang talento ng ating mananargong Pinoy.

Kaya nitong nangangalahati ang 2025 ay gumawa na ng malaking hakbang ang isa sa icon ng Philippine billiards na si international multi- medalist pool living legend Marlon ' Marvelous Manalo.

Dahil din nagkaroon ng break si Champ Marlon sa pagiging public servant (ABC President at Chairman ng Bgy.Malamig sa Mandaluyong City) ay nagkaroon siya ng panahong makapokus sa kanyang first love na billiards.

Habang nage-ensayo sa kanyang pribado at primera klaseng practice table ay naisip niyang magpalaro ng isang open tournament para sa pinakamagagaling na manunumbok na Pinoy.

Sakto dahil ang kanyang planong magpaliga sa billiards ay sinang- ayunan ng kanyang very close friend na si boxing icon 8- division world champion at billiards enthusiast ding si former Senator Manny Pacquiao.

Isang dambuhalang palaro ang naorganisa ng sanib- puwersa nina Kap Marlon at Pacman na dagdag ningning sa ang pag-agapay ni The Magician world champ Efren 'Bata Reyes.

Nagkaroon ng state- of -the- art billiards venue sa Shaw, Mandaluyong City na itinatag ng Pacquiao Cue Club sa timon ni Manalo na magiging opisyal nang tumbukan ng mga elitistang bilyarista at grassroot players na madidiskubre sa programang iyon ng Kap- Pacman tandem plus 'Bata Reyes.

Kaya asahan ang malakas na sargo ng billiards sa national at global stage ngayong 2026 na magpo- produce ng panibagong world champion na Pilipino ngayong taon.ABANGAN!

Lowcut: Patuloy ang malakas na sales ng THE EFREN 'BATA REYES BOOK na nilimbag ni Kap Manalo. Bayang Bilyarista, tum'book na. PANALO!