KAPAMILYA O KAPA'MILO ANG PANALO?
SA bawat pakontes ng anumang larangan, marapat lang na ipaliwanag o ipaalam ng organizer kung bakit panalo si Juan kontestan o si Saling kasali.
OPINION
DANNY SIMON
6/6/20242 min read


SA bawat pakontes ng anumang larangan, marapat lang na ipaliwanag o ipaalam ng organizer kung bakit panalo si Juan kontestan o si Saling kasali.
Hindi iyong basta inilabas na lang ang resulta ng mga napili ng di rin bistado kung sino mga hurado. Kung ano sana ang nasa mechanics ng patimpalak na nasunod ni Bok kalahok ang siyang karapat-dapat at ipaliwanag ito for transparency.
Nakaka-entriga kasi na ang entry ni Enteng o piyesa ni Sisa ang panalo dahil kapamilya sa larangan o may impluwensiya siya sa ahensiya na unfair sa iba tulad ng artikulo ni Art o obra ni Obet na di ka-close ni judge Kulas na baka nga di na binasa ang kalatas kaya doon pa lang ay di na patas.Dapat din sana na mas bentahe ung mga nakapaglabas ng istorya a day after the event at hindi ung kung kelan deadline o malapit na saka na-publish e nakita na niya ang armas ng kalaban kaya isip siya ng anggulo kaiba sa mga nauna na isang istrategic teknik o switik.
Di ito isang ngawa sa natapong gatas o 'sawrgreyping pero dapat itong malaman ng mga kinauukulang nagpakontes na siyang publicist ng pino-promote na higanteng kumpanyang inuming pangkalusugan.
Naipaskel na kung sino ang karapat-dapat na winner at iyong panalo lang dahil kapamilya sa takbuhang milya-milya o kapaMILO?
Layon ng korner na ito na iparating sa mga bossing ng kaganapan na rebyuhin din kung may time ang mga ganitong klase ng tunggalian kung naging parehas, walang kinikilingan o di naimpluwensyahan ng patnugot at manunulat ang istrategist ng produkto para alang kwestyon o isyung lutong-makaw sa mga tinanghal at sport lang o better luck 'nekstaym sa mga olats.MISMO!
Lowcut: Sa Hunyo 15 ay aarangkada ang ating weekend league sa basketball, volleyball, baseball with fun run at side event na 'on the spot painting contest' for young artists sa balwarte kong La Paz, Tarlac.
Katuwang natin ang SK dito at mga opisyales ng barangay Comillas.
Basketball at baseball clinic habang ang volleyball competition ay sa timon ni Cristian Silva at kanyang tropa.
Ngayon pa lang ay pasalamat na ang korner na ito sa ating mga generous friends sa sports partikular kay PSC commissioner Fritz Gaston, Arki Jayzee G. Celeste ng JC2 basketball, JR Vallejo ng Jones Cup, Ph baseball consultant Kunifumi Itakura ng IPPC, Ph volleyball chief TATS Suzara, former national volleyball player Ms Alma Jocson at Robert Milton Calo ng Fessap, Bos Ted Cada ng AIMS, Alvin Aguilar ng URCC, opkors Alex Wang ng Wang's Ballclub, Ms Judith Staples ng athletics at edObee, EnergyA ni Ka Ninoy sa Raon, businessman/sportsman kuya Chito Dequit, FFCI world president EO Batalan at compadre natin sa POC Dave Carter. Mabuhay!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato