IN GOD WE TRUST
KAP'EHAN SA TSAMP SUPORTA TAYO D'YAN!
PORMAL nang ilulunsad ang bagong tatag na KAP'EHAN SA TSAMP(Tabloid Sportswriters Association& Media Practitioners) ngayon buwan ng Setyembre sa ating balwarteng Pacman Cue Club. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
SPORTS
Ni Kap. Marlon Manalo
9/9/20261 min read


PORMAL nang ilulunsad ang bagong tatag na KAP'EHAN SA TSAMP (Tabloid Sportswriters Association & Media Practitioners) ngayon buwan ng Setyembre sa ating balwarteng Pacman Cue Club. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Ayon Kay TSAMP founding president Danny Simon, ang prestihiyosong samahan ng mga lehitimong sportswriters pati na taga - broadcast at social media, ikinagagalak niyang ang naturang adhikain ay ating suportado at tiyak na maging ang ating boxing icon na si Manny ' Pacman ay sang-ayon sa ganito ng program ang pang sports at iba pa.
isang napakalaking kaganapan ang makadaupang palad natin ang mga mamamahayag at makatalakayan sa makabuluhang palitan ng kuro- kuro tungkol sa sports, pulitika, kabuhayan, kultura, sining, showbiz atbp.
Ang pagsuporta ng ating Filipino boxing icon 8- division world champion at hall of famer Manny Pacquiao sa kapehang idaraos minsan isang buwan sa Pacquiao Cue Club Event Hall.
Ang naturang TSAMP session ay nabuo at magiging ganap nang talakayan sa pinagsamang pagsisikap ng ating tsokaran colleagues Danny Simon( President), Noli Cruz( VP Internal), Jeff Venancio( VP External), Enjel Manato( Secretary General), Avelina Paller( Treasurer),Fred Nasiad( Auditor), Board Directors Albert Andaya, Marlon Bernardino, Jean Malanum at Ethel Genuino.
Advisers sina Champ Manny Pacquiao, ang inyong lingkod Marlon Manalo, Hadley Mariano, Atty. Ariel Inton, Wopsy 'Amigo Zamora at Gov. Chavit Singson.... MARVELOUS!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
