IN GOD WE TRUST

KARAPATAN NG IP'S PANGALAGAAN- DATU GAVELINO

IPINABABATID sa kinauukulan ni Datu Delampangan Enrique Rubio Gavelino ng IP( Indigenous People) -LUZVIMINDA( Luzon, Visayas and Mindanao)ang napipintong dagok sa mga katutubo dahil sa panghihimasok ng mga maimpluwensya sa lipunan partikular sa kanilang minanang lupain mula sa kanunu-nunuan.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

DANNY SIMON

9/29/20261 min read

IPINABABATID sa kinauukulan ni Datu Delampangan Enrique Rubio Gavelino ng IP( Indigenous People) -LUZVIMINDA ( Luzon, Visayas and Mindanao)ang napipintong dagok sa mga katutubo dahil sa panghihimasok ng mga maimpluwensya sa lipunan partikular sa kanilang minanang lupain mula sa kanunu-nunuan.

Kamakailan ay lumutang na sa kaalaman ng publiko na ang malaking bahagi ng ancestral land sa Capas ,Tarlac ay pinagnanasaang hablutin ng mga tulo-laway na buwitre sa lupa upang bigyang- daan umano ang pag-asensong teknolohikal in lieu of agricultural.

Teknik ng mga switik na di naman inaangkin ang lupain dahil babayaran naman sila ng barya pansamantala hanggang pagdating ng araw ay wala nang aasahang kabuhayan ang mga nabudol na katutubo.

" Suportado natin ang gobyerno parikular sa aspeto ng development pero di dapat yurakan at balewalain ang karapatan ng mga IP's", pahayag ni Gavelino sabay kalampag sa kinauukulan sa NCIP. "Matalino ang mga IP's lalo na sa usaping legal na naaayon sa batas"

Huwag gawing bano ang mga katutubo na gumagawa na ng hakbang upang pigilan o masawata ang pagtatayo ng Pax Silica sa kanilang balwarte. Prevention is better than cure 'ika nga..MISMO!

Matibay ang pundasyon ng NATIVE TITLE.Ito ay di saklaw ng institusyon ng Pilipinas o pamahalaan.Karapatan ito ng mga Katutubo mula pa noong unang kapanahùnan hanggang sa kasalukuyan.The Government and State recognize the native title and it's customary.

Tandaan lang ang RA 8371 na self governance.Batid ng NCIP na walang bagong karapatan kung ano ang sa iyo noon ay iyon na yon! Walang NCIP kung walang IP.. SAKTO!

LOWCUT: Shoutout sa mga ka-IP's diyan sa Tacloban City na sina Datu Alex Pingol at betterhalf niyang si Bae Divine Albina Licop ng GilasNews IP Channel.. MABUHAY!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...