KARISMA NI POC PREXY CONG. BAMBOL

Blog post description.

OPINION

DANNY SIMON

2/16/20252 min read

KAUNA-UNAHANG gold medal sa winter games ng Pilipinas, napanalunan sa 9th Asian Winter Games Harbin, China.

Bago tumulak patungong Harbin ang Team Philippines, wish lang nila ang makapag-uwi ng medalya at dahil sa tindi ng mga makakalaban, okey na ang silver o bronze.

Pero ang motibasyon ni Philippine Olympic Committee president Cong. Bambol Tolentino ay 'GO FOR GOLD!'

Tunay na 'it aint over 'til it's over!..nakahabol ng gintong medalya ang Philippine curling team matapos pabagsakin ang liyamadong South Korea, 5-3 para sa makasaysayang tagumpay ng Pilipinas-bansang tropical at walang winter season. Pinagharian ng mga Pinoy ang men's curling event na ipinagbunyi ng bansa.

Iba talaga ang mahika at karìsma ni POC prexy Cong. Bambol. Sa kanyang timon ay naabot ng ating mga atleta ng bansa ang di man lang na-accomplish ng mga naunang lider noon. Sa liderato ni Bambol nahablot ang maksaysayang ginto sa Olimpiyada kortesiya ni weightlifter Hidilyn Diaz noong Tokyo Olympics at nasundan pa ito ng double gold medal ni gymnast Catlos Yulo ng Pilipinas nitong nakaraang Paris Olympics 2024.

Bukod din sa mga naiuuwing silvers at bronzes ng ating mga pambato sa timon ni Cong. Bambol, siya rin ang instrumental sa overall championship ng Pilipinas noong 2019 Southeast Asian Games.

Ngayon ay pokus na si Cong. Bambol Tolentino na mamayagpag ang Pilipinas sa Bangkok SEAGames at ang kauna-unahang Winter Olympics gold para sa Pilipinas. Mission possible...ABANGAN!

**ARKI JAYCEE G.CELESTIAL NOMINADO BILANG GILAS AWARDEE SA COMMERCIAL BASKETBALL*

Dahilan sa matibay na pagmamahal at adbokasiya sa larangan ng commercial basketball, nominadòna si businessman / sportsman Architect Jayzee Gudelano sa gagawaran ng rekognisyon ng GILAS Annual Awards 2025 na gaganapin sa huling bahagi ng Marso ng taong kasalukuyan.

Ito'y nagkakaisang ninomina ng GILAS awards committee dahil sa kanyang kontribusyon sa amateur -commercial na nadedeskubre para sa bigtime basketball na PBA at Gilas Pilipinas men's basketball.

Si Arki rin ang team owner ng JC2 Slashers na sumasabak sa ibà't-ibang liga sa Metro Manila sa minamantine ng kayang kumpanyan JC2 Architectural Studio.

Tuluy- tuloy ang pag-dribble, shoot and score ng JC2 Slashers basketball ngayong taong 2025. Hurray Arki J!

Lowcut: Belated Birthday greetings kay SG Vhergel Divina diyan sa McDonalds, Libertad Pasay at kudos to manàgement and staffs. HAYAHAY!

Team Philippines sa Harbin