Kay Dir. Papin ng PCSO, masa ang panalo

HINIHIKAYAT ng bagong nombrang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office na si Dir. Imelda Papin ang publiko na tumaya sa lottery upang pang-suporta na rin sa mga charitable initiatives ng pamahalaan para sa serbisyo sa masang sektor ng lipunan.

OPINION

DANNY SIMON

6/25/20242 min read

HINIHIKAYAT ng bagong nombrang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office na si Dir. Imelda Papin ang publiko na tumaya sa lottery upang pang-suporta na rin sa mga charitable initiatives ng pamahalaan para sa serbisyo sa masang sektor ng lipunan

Sa panayam ng korner na ito nang mag-pugay sa kanyang tanggapan kasama si CLR 45 Governor at Guardians International Brotherhood Foundation Inc. Chairman Rafael Agcaoili. Damang-dama ni dating singer/ artist par excellence at ex- Camarines Sur Vice Governor Papin ang tamis ng pakiramdam nang maraming natutulungang mamamayan na direkta niyang nakakadaupang-palad magmula nang siya ay nagsimulang maglingkod matapos na manumpa sa kanyang appointment walang iba kundi kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dalawang linggo na ang nakaraan bilang Active Director ng ahensyang pang-kawanggawa.

Lahat naman nang nagtutungo sa PCSO ay nangangailangan ng agarang tulong. Maagang umaalis sa kanilang bahay kahit gaano kalayo para lang makaamot ng kaukulang ayuda pinansyal pang-medical o pansalba sa hikahos nilang buhay.

"Nakakaawa naman kung di sila matulungan kaya hangga't maari ay ayaw kong umuwi sila ng luhaan kaya ito ang personal kong sa ikinasa kong adbokasya na "isang linggong serbisyo" para sa mga nasa laylayan ng lipunan," pahayag ng orighinal na LOYALISTA na naging kadamay na ng Pamilyang Marcos mula noon hanggang ngayon thru thick and thin, up,down and ups.

Tunay na ito ay isang God-given responsibility sa inyong lingkod and I will never let down ang ating mga kababayan.

Kung noon ay wala silang malapitan sa mga may timon sa ahensya, iba na ngayon magmula sa pinakamataas dito sa ahensiya hanggang rank and file, ay maglilingkod ng walang diskriminasyon

Yan kasi ang bilin ng Pangulo para sa sambayanang Pilipino.

Ngayon pa lang ay hats off na ang UPPERCUT at si Gov. Agcaoili sa tanyag na Asia's Queen of Sentimental Songs at Jukebox Queen ng Pilipinas na si Direktora Papin.

Tuloy pa rin aniya ang kaniyang mga konsiyerto at kaagapay pa rin si Gov./ Chairman Agcaoili sa mga humanitarian missions hanggang sa kanayunan.

Ang tanging tulong na ating maibabalik ay ang tumaya sa LOTTERY dahil babalik ito ng siksik-liglig. Ang PSCO ay pangunahin ding sumusuporta sa mga SPORT program ng pamahalaan.

" Tena bet na tayo ng lotto para panalo ang Pilipino,"ani pa Director Imelda.

Sabi ng mga masang natuwa sa pagkanombra ni Dir. Papin.. para na ring tumama ng sweepstakes ang sambayanang Pilipino...MISMO!