KAY MAYOR ENTENG PANGAKO'Y TUTUPARIN!
ELEKSIYON na naman, bumabaha ng pangako sa bawat kampanyahan. Mga pangakong sabi ng isang switik na politiko sa mga nabobolang botante eh 'promise na nga, gusto pang tuparin.
OPINION
DANNY SIMON
4/26/20251 min read


ELEKSIYON na naman, bumabaha ng pangako sa bawat kampanyahan.
Mga pangakong sabi ng isang switik na politiko sa mga nabobolang botante eh 'promise na nga, gusto pang tuparin.
Sa malayu-layong bayan sa Cavinti sa lalawigan ng Laguna, dismayado na ang mga botante doon na nais ng tunay na pagbabago.
Puro pangako kasi ang mga bolerong naihalal nilang leader na pamunuan ang bayan ng Cavinti
Laging nangangako sa kampanyang asenso ang mga nahalal na pinuno partikular ang matagal nang naupong mayor doon pero maging ang esensyal na pangangailangang sa tubig ay laging napapako.
Ang tubig ay buhay.
Isa sa nagpadala ng kanyang hinaing sa Uppercut tungkol sa suliraning tubig sa bayan ng Cavinti ay ..
"Ako po'y nana nawagan na sana ay aksyonan na po ang aming problema sa tubig partikular sa Brgy Layasin at Brgy Bulajo.. sobrang hirap po ng walang tubig .. ? Tagal na pong pangako iyan ng nanunungkulan.. LAGI NYONG PANGAKO NA PAG KAYO ANG BINOTO MAG KAKA- TUBIG NA KAMI,PERO ILANG BOTOHAN NA ANG NAKA LIPAS WALA PARING NGYAYARE,,GINAGAWA NYO NA LNG HANAP BUHAY ANG PAG UPO SA PWESTO... Hanggang salita lang naman hindi naman ginagawa, Kung kelan mag e-eleksyon ay saka lng kikilos ang kinauukila para masabi na gagawin,pero ano? Pag katapos manalo babalewalain na naman?.
.Kumilos naman po kayo at patunayang kahit hindi mag halalan..'AKO PO'Y WALANG MASAMANG SINASABI,
HANGAD AT KAGUSTUHAN LANG PO NG NAKAKARAMI NA ANG AMING MATAGAL NG HILING AY INYO NAMANG DINGGIN!!!"
, ani ating suki ng TONITE PF.
So matagal na palang suliranin ang tubig sa Cavinti gayong sagana naman ng source ito na kailangan lang ng kaukulang imprastraktura upang mapakinabansan ng mamamayan.
Pinaka-solusyon diyan, huwag nang iboto ang mga walang nagawa sa kanilang termino at ihalal ang bago at tunay na may political will sa lahat ng proyekto para sa kapakanan ng mga taga-Cavinti.
Para maiba naman, nariyan sì Mayor to be Bethoven 'Enteng Principe Dela Torre.Sila ang solusyon at kasagutan sa mga suliraning parating.Mayor Enteng..Sa Cavinti solve ang problema, serbisyo ay di BITIN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato