KAY 'TOL TOLENTINO PA RIN!

TUNAY na maigsi ang isang termino sa isang magaling, statesman at dedicated public servant na marapat lumawig ang mandato.

OPINION

Danny Simon

10/21/20241 min read

TUNAY na maigsi ang isang termino sa isang magaling, statesman at dedicated public servant na marapat lumawig ang mandato.

Ang isang mahusay na lingkod-bayan, natural lang na makiisa at tumulong sa sinumang nakapuwesto at di pinangingibabaw ang interes sa pulitika kundi ang kapakanan ng masa ang nangunguna.

SI Senador Francis 'Tol Tolentino, kahit kaninong administrasyon siya nakapanig ay epektib niyang nagagampanan ang sinumpaang tungkulin partikular para sa masang naghalal sa kanya bilang Senador ng Republika ng Pilipinas, pruweba ng kanyang husay bilang tagapaglingkod ng sambayanang Pilipino.

Kung kaya sa mga nagdaang administrasyon hanggang ngayon ay di nawawala sa sirkulasyon ang dating alkalde ng Tagaytay, naging gabinete ni FPDuterte hanggang maging Senador at ngayon ay re-electionist sa bandila ni PBBM.

Hindi uso sa utol ni Philippine Olympic Committee president (Cong.) Bambol na si Sen.Francis ang pa-epal tulad ng iba para mapansin ng nasa trono,likas na magaling si 'Tol kaya siya pinili sa tiket ng incumbent president.

Kaya kayong mga walang magawa at naiinggit sa kapwa, patunay lang na matibay, matatag at di natitinag saan man mapadpad si 'Tol sa

larangan ng serbisyo publiko partikular sa Senado. Tunay na okey si TOL kaya sumuporta na lang dahil bayan din ang nakikinabang lalo sa ibibigay nating bagong mandato..iyan si 'Tol Francis Tolentino na gem ng bayan...ABANGAN!!!

Lowcut: Shoutout kay Bosmike Lapitan- pinuno ng Tagaytay Chess Club sa tagumpay ng Asian Juniors and Girls Chess Championship ni Cong. Bambol. Happy at impressed lahat ng Asian participants.

MABUHAY TAGAYTAY!