IN GOD WE TRUST
KBA STARS AT DLSU UNICORNS NAMAMAYAGPAG SA LBP SEASON 2 CELEBRITY CUP
MATAPOS humataw ang ilang araw na hostilidad ng Liga Baseball Philippines Season 2 Celebrity Cup sa Taguig City, nagpamalas ng kani-kanilang puwersa ang Katayama Baseball Academy Stars at De La Salle Unicorns upang mamayagpag sa team standing.
SPORTS
Ni Danny Simon
6/22/20261 min read


MATAPOS humataw ang ilang araw na hostilidad ng Liga Baseball Philippines Season 2 Celebrity Cup sa Taguig City, nagpamalas ng kani-kanilang puwersa ang Katayama Baseball Academy Stars at De La Salle Unicorns upang mamayagpag sa team standing.
Nasa ituktok ng liderato ang KBA Stars ni team owner Keiji Katayama( Japanese national based in the Philippines) sa malinis na kartadang 2-0 habang sumesegunda ang DLSU Unicorns ni LBP prexy Pepe Munoz na may 2-1 baraha.
Nagtala ng 1-1 win- loss ang UAAP 3-peat champion NU Bulldogs ni LBP Chairman Wopsy Zamora kasosyo ang Muralla Dawgs , University of Sto Tomas at Philippine Air Force habang 1-2 naman ang naiposte ng Ateneo de Manila University Blue Eagles.
Tanging ang Dumaguete / RTU Thunders ang di pa umeentra sa win - column 0-2.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
