IN GOD WE TRUST
KEIJI KATAYAMA STARS READY NANG MAGPAYANIG SA LBP WAR 2 SA MAY 30 SA TAGUIG
HANDA nang tuparin ng powerhouse Katayama Baseball Academy( KBA) Stars ang misyon nitong kampeonato sa sasambulat na ikalawang edisyon ng Liga Baseball Philippines( LBP) Celebrity Cup sa Taguig City sa Mayo 30, 2026.
SPORTS
Danny Simon
5/18/20262 min read


HANDA nang tuparin ng powerhouse Katayama Baseball Academy (KBA) Stars ang misyon nitong kampeonato sa sasambulat na ikalawang edisyon ng Liga Baseball Philippines( LBP) Celebrity Cup sa Taguig City sa Mayo 30,2026.
Ang KBA Stars na pagmamay- ari ni Japanese national with a heart of a Filipino na si Keiji Katayama ay nabigong tuparin ang misyong pagharian ang buenamanong edisyon ng LBP noong nakaraang taon kung kaya determinado ang koponang mahablot ang tagumpay sa ikalawang pagtatangka dahil sa matinding team build up at preparasyon upang maging realidad na ang ambisyong magkampeon sa prestihiyosong Liga na inorganisa nina LBP Chairman Wopsy Zamora at President Jose Pepe Munoz .
Ang top brass ng isang multi- national company sa bansa na si Keiji ay isang dating varsity baseball player sa kanyang bansang Japan na pangarap sanang makalaro sa Major Baseball League ay na- assign sa Pilipinas kung kaya naudlot ang kanyang ambisyon.
Hindi naman niya kinalimutan ang kanyang first love na baseball kaya naglaro pa rin siya sa Pilipinas bilang guest player nang na- draft siya ng Manila Sharks team sa defunct Baseball Philippines hanggang naging collegiate coach at consultant ng national men's baseball team .
Optimistiko si Katayama na matupad ang kanyang misyon dahil may mga manlalaro siyang kayang tapatan ang iba pang powerhouse team sa LBP 2.
Narito ang formidable line up ng KBA Stars:Players>
Francis Thomas Gonzaga #8 ◆
Jed Vincent Pador #31*
Diego Lozano #51
*Arvin Herrera #71
* James Macalma #17
* Ignacio Escaño #10
*Sean Jeremy Salaysay #1
* Javi Macasaet #7
* Mark Tuballas #45
*John Leonel Matanguihan #18 ◆
* Karl Liwanagan #12
*John Ezekiel Adion #33
* Shinji Kajihara #24
*Mar Joseph Carolino #56 ◆
*John Reymond Vargas #13 ◆
* Aragorn De Vera #11
*Carlos Muñoz #2
Mark Liwanagan #77
*Joseph Roldan Alcontin #0
*Ian Mercado #9
* Tim Caldo #16
*Irvin Llave #75
* Harry Geronimo #25
*John Mark Barsales #26
*Gerald Riparip #27
* Kyle Villafaña #29
*Joannard Pareja #14
at Keiji Katayama #34.
Ang LBP2 ay sama-samang sanib puwersa nina Chairman Wopsy Zamora, President Pepe Muñoz, Director General Ping Remollo,Commissioner Mike Zialcita, directors na Sina Ricky Palou,Anthony Suntay, Raymond Tolentino,Nats Faustino at Revo Saguisag.
"It will be a grand night of celebrities in the opening ceremony where rich and famous from sports,showbiz,business personalities and public servants as well who are enthusiastic in supporting the real stars of the tournament,the baseball players themselves," wika ni Chairman Zamora.
" So it's all roads to Taguig's Marcelino diamond to witness the grand night opening and night games ahead."






Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
