IN GOD WE TRUST
Kidsize chess tilt sa Maynila isinusulong ng KOBI PH para sa Kabataan ng Lungsod
ISANG unique na chess game para sa mga Batang Manilenyo ang isinusulong ng Kapisanan ng mga Opisyales ng Barangay,Inc.( KOBI) Philippines para sa Lungsod ng Maynila.
SPORTS
4/27/20261 min read


ISANG unique na chess game para sa mga Batang Manilenyo ang isinusulong ng Kapisanan ng mga Opisyales ng Barangay,Inc.( KOBI) Philippines para sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay founding president Danny Amos,dating opisyal ng barangay sa Sampaloc,magtatagisan ng talas-utak sa naturang mind game ang mga kid chessers ng Maynila hindi sa chessboard kundi sa isang espasyong konkreto na lalatagan ng chess mat at ang piyesa ay kasing- taas ng isang musmos na bata na iaaangat ang bawat sulong ng isang volunteer na katulad ng mga nilalaro ng mga pinuno sa kaharian noong medieval era sa bulwagan ng kanilang palasyo.
" Ito ay Isang one of a kind chess game na puwede pang ilaro ng mga batang chess enthusiasts ngayong modernong panahon ", wika ni event organizer KOBI PH president Danny Amos." Umaasa po tayo na susuportahan ito ng kinauukulan anumang kulay ang kinabibulangan basta sa kapakanan ng Batang Manilenyo ay suportahan ninyo ito ", optimistikong pahayag ni Amos.
Nakatakdang sumulong ang torneo sa lahat ng Barangay sa lahat ng distrito ng Maynila sa susunid na buwan ng Mayo .
Pagkatapos ng Manila stint ay susulong na ang mga kaganapan ng KOBI PH sa mga Barangay nationwide.
" Abangan po ninyo,di lang chess kundi maging ng ilang popular na sports sa bansa ang isusulong ng ating KOBI PH sa suporta ng ating mga kinauukulang entustastiko para sa bayan." (DAS)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
