Kim Yutangco Zafra ng Pilipinas, segunda sa 6th Paul Keres Memorial Festival 2025 Classic Chess Open

SI Kim Yutangco Zafra ng Pilipinas ay nagbulsa ng karangalang runner-up sa ika-6 na Paul Keres Memorial Festival 2025 Classic Open B Category na ginanap sa Estonia Resort Hotel and Spa Conference Center sa Parnu, Estonia mula Agosto 11 hanggang 16, 2025.

SPORTS

8/17/20251 min read

SI Kim Yutangco Zafra ng Pilipinas ay nagbulsa ng karangalang runner-up sa ika-6 na Paul Keres Memorial Festival 2025 Classic Open B Category na ginanap sa Estonia Resort Hotel and Spa Conference Center sa Parnu, Estonia mula Agosto 11 hanggang 16, 2025.

Ang tubong Quezon City na si Zafra ay nakalikom ng 7.5 puntos dahil sa pitong panalo, isang tabla at isang pagkatalo sa siyam na laban.

Nagwagi si Zafra laban kay Agate Ivulane ng Latvia sa ikalawang round, Vladislavs Grigorenko ng Latvia sa ikatlong round, Ivan Menkov ng Czech Republic sa ikalimang round, Paulius Konovalovas ng Lithuania sa ikaanim na round, Karl Samuel Leht ng Estonia sa ikapitong round, Janis Meijers ng Ukraine sa ikawalong round at ang nagkampeon na si Romet-Renee Merivee ng Estonia sa ikasiyam at huling round.

Nakipaghati siya ng puntos kay Samyr Helou Neto ng Brazil sa ikaapat na round. Ang kanyang tanging pagkatalo ay sa kamay ng walong taong gulang na si Denis Bobrakov-Timoskin ng Czech Republic sa unang round.

Sa kabila ng pagkatalo,nakuha ni Romet-Renee Merivee ng Estonia ang titulo na may 8.0 puntos sa format na ito ng 90 minuto plus 30 segundo na increment standard time control.

Si Patriks Ivulans ng Latvia at Jegor Dzjuba ng Estonia ay nagtala ng 7.0 puntos bawat isa upang tapusin sa ikatlo at ikaapat na puwesto.

"Nais kong ihandog ang aking tagumpay sa aking mga kababayan. Isang karangalan na kumatawan sa ating bansa. Sana ay magbigay inspirasyon ito sa aking mga kapwa Pilipino lalo na sa mga kabataan sa aking pinakabagong tagumpay," dagdag pa ni Zafra na nakabase sa Europa.

"Kasiya-siyang ika-2 puwesto dahil tinalo ko ang nagkampeon sa huling round. Kung hindi lang sana ako natalo sa aking 8 taong gulang na kalaban sa 1st round, sana ay nanalo ako sa tournament. Ang aking huling iskor ay 7 panalo 1 tabla at 1 talo. Ang iskor ng kampeon ay 8 panalo at 1 talo.

Maraming salamat kay coach Chester Caminong para sa paghahanda," huling salita ni Zafra.-DAS

Pang-apat mula sa kaliwa, si Kim Yutangco Zafra ng Pilipinas (ika-2 puwesto).