IN GOD WE TRUST

KOBI PH ISINULONG NA ANG ‘A-CHESS-NZA’ CUP SA MAYNILA NGAYONG SUMMER

ILALARGA na ng Kapisanan ng Opisyales ng Barangay, Inc.( KOBI) Philippines ang palarong tagisan ng talino sa mindgame partikular sa larangan ng ahedres( chess) na ang grandeng sulong ay gaganapin sa Sampaloc District sa Maynila ngayong tag-araw.

SPORTS

Ni Danny Simon

4/8/20261 min read

ILALARGA na ng Kapisanan ng Opisyales ng Barangay, Inc.( KOBI) Philippines ang palarong tagisan ng talino sa mindgame partikular sa larangan ng ahedres( chess) na ang grandeng sulong ay gaganapin sa Sampaloc District sa Maynila ngayong tag-araw.

Ayon kay KOBI Ph founding president Danny Amos, ang prestihiyosong torneo ay isang invitational Inter-barangay at district ay suportado ng mga entusyastiko sa larangan partikular sa Kalakhang Maynila at karatig LGU’s.

“ We at KOBI Philippines were pushing this Chess Invitational Barangay and District tournament slated this summer of 2026.We are very optimistic that our dear former Mayor Lito Atienza and incumbent Manila Vice Mayor Chi Atienza will support this noble endeavor for Manila youth and adult enthusiasts as well”, wika ni Amos sa paglulunsad ng kanyang Midget Chess( kidsize pieces) game sa kanyang balwarte sa Sampaloc kamakailan. “ This A-CHESS-NZA Cup is a gathering of Barangayan event by promotoing the sport for the youth and the masses.”

Ang KOBI Philippines ay itinatag sa layuning makipagtulungan at makipag-ugnayan sa mga datihan at incumbent barangay at SK officias sa buong kapuluan gayundin sa samahang BPSO na mga bantay- barangay.

Handa na ang mga piyesa ng ahedres na gagamitin sa chess tournament ni KOBI Philippines founding president Danny Amos ng Sampaloc sa Maynila.