IN GOD WE TRUST
KOBI PH,AMOS AT ‘A-CHESS-NZA’ CUP SA MAYNILA KASADO NA
ILALARGA na ng Kapisanan ng Opisyales ng Barangay, Inc.( KOBI) Philippines ang palarong tagisan ng talino sa mindgame partikular sa larangan ng ahedres( chess) na ang grandeng sulong ay gaganapin sa Sampaloc District sa Maynila ngayong tag-araw.
SPORTS
DANNY SIMON
4/9/20262 min read


ILALARGA na ng Kapisanan ng Opisyales ng Barangay, Inc. (KOBI) Philippines ang palarong tagisan ng talino sa mindgame partikular sa larangan ng ahedres( chess) na ang grandeng sulong ay gaganapin sa Sampaloc District sa Maynila ngayong tag-araw.
Ayon kay KOBI Ph founding president Danny Amos, ang prestihiyosong torneo ay isang invitational Inter-barangay at district ay suportado ng mga entusyastiko sa larangan partikular sa Kalakhang Maynila at karatig LGU’s.
“ We at KOBI Philippines were pushing this Chess Invitational Barangay and District tournament slated this summer of 2026.We are very optimistic that our dear former Mayor Lito Atienza and incumbent Manila Vice Mayor Chi Atienza will support this noble endeavor for Manila youth and adult enthusiasts as well”, wika ni Amos sa paglulunsad ng kanyang Midget Chess( kidsize pieces) game sa kanyang balwarte sa Sampaloc kamakailan. “ This A-CHESS-NZA Cup is a gathering of Barangayan event by promotoing the sport for the youth and the masses.”
Ang KOBI Philippines ay itinatag ilan taon na ang nakaraan dahil sa layuning makipagtulungan at makipag-ugnayan sa mga datihan at incumbent barangay at SK officias sa buong kapuluan gayundin sa samahang BPSO na mga bantay- barangay.
Yan si Ka Danny Amos at ang pinamumunuang KOBI Philippines, serbisyong barangay nationwide ay UTMOST!
************
COACH RON NG ABOVE THE RIM, NINONG!
Introducing Coach Ron( Kotsron) aka Robert ( mucho Dinero ) Rondez ng PSC-POC Media Group na nakabase na sa London ngayon na siya ring may pitak ng pamosong Above the Rim.
Ang inyong kakorner ay nagdaos ng sports clinic kamakailan sa Bicol na nilahukan ng maraming kabataan doon.
Volleyball, softball, table tennis at chess ang success pero ang favorite na basketball ay di naiconduct dahil ang kanllilang basketball court ay walang rim at ang semento ay halfcourt lang ang kongketo.
Ang mga batang Dapdap sa Pilar ,
Sorsogon ay naghahanap ng ninong na magisponsor ng kambal na basketball rim para mayroon na silang laruan at makapaliga ngayong summer.
Solve na ang kanilang wish, dahil si Kotsron ay ABOVE THE RIM, siya na ang NINONG ng basketball rim sa lugar na yon.Dapdap…HURRAY! Buti pa si Coach Ron nasa London, kami todits lown dito..loan doon ..LONDON!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
