KOBI Phils - Kap. Castro Chess / Basketball Brgy. 484 Sportsfest para sa Senior Citizens at Kabataang Maynila

MAINITANG tunggaliang pisikal at kaisipan ang ilalarga ngayong tag-araw ng KOBI Philippines sa Distrito 4 ng Lungsod ng Maynila.

SPORTS

Danny Simon

4/23/20241 min read

MAINITANG tunggaliang pisikal at talas-kaisipan ang ilalarga ngayong tag-araw ng KOBI Philippines sa Distrito 4 ng Lungsod ng Maynila.

Ayon kay KOBI(Kapisanan ng mga Opisyales ng Barangay,Inc.) Phils.president Danny Amos,lalarga ang dual sports event para sa kabataan ang larong basketball at open/ invitational naman para sa youth,adults at senior citizens ang larong chess( ahedres)sa kaganapang may titulo na Kapitana Eunice Castro- KOBI Phils Invitational Chess/ basketball tournament sa Simoun St. ng Bgy.484 ng Lungsod Maynila mula Abril 26-27-28,2024 kasabay ng pagdiriwang ng Sagrada Familia Feast Day.

Ang naturang sports project ng KOBI Phils.ay sinuportahan ni Philracom Chairman Aurelio 'Reli' De Leon partikular ang pamamahagi ng sports equipments tulad ng Eureka Chess sets na personal niyang inabot kamakalawa sa organisador na si Amos.

" Lubos kaming nagpapasalamat kay Philracom chairman De Leon sa kanyang suporta sa ating proyektong pampalakasan sa adult, senior citizens at kabataang Manileño partikular dito sa Brgy.484, District 4. Salamat din sa ating mga ka-distritong konsernado na boluntaryong tumutulong sa proyekto", pahayag ni organizer Amos.

Bagama't dumaranas ng tinding init ng panahon ngayong summer,ang chess ay ilalaro sa indoor habang ang basketball ay ilalaro kapag di na tirik ang araw.

Inaanyayahan ang mga taga Brgy.484 na saksihan ang tatlong araw na sports festival ng KOBI Phils.

BUONG kagalakang tinanggap ni KOBI Phils. president Danny Amos ang kaloob sa Eureka Chess sets na personal pang inihatid ni donor Philracom chairman Aurelio 'Reli' DeLeon para sa idaraos na Kobi Phils. Chess/Basketball Sports fest sa Simoun St. Brgy. 484 Dist. 4, Maynila sa Abril 26-27-28, 2024