IN GOD WE TRUST
Konsehal may escorts para may " assistance " dahil sa traffic.
Sa isang post ng VISOR na dashcam footage ng isang netizen ay inireklamo niya ang mga sasakyan na escorted ng mga motorcycles na may sirens at blinkers sa gitna ng matinding traffic sa Laguna.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
7/15/20261 min read


Sa isang post ng VISOR na dashcam footage ng isang netizen ay inireklamo niya ang mga sasakyan na escorted ng mga motorcycles na may sirens at blinkers sa gitna ng matinding traffic sa Laguna.
Naging viral ito at inamin naman sa official statement ng isang konsehal na siya yun nasa sasakyan at ang katwiran niya ay dahil sa matinding daloy ng trapiko lalo na sa Los Ban̈os at Sta. Cruz dulot na rin ng mga kasalukuyang ginagawang kalsada, napakahirap pong makarating sa Kapitolyo bago mag ala una ng hapon kayat kailangan niya ng "traffic assistance".
Sana daw ay maunawaan siya dahil ayaw niya masayang ang taxpayers money if he fails to fulfill his obligation as a public official. Siya daw kasi ay konsehal ng Calamba, PCL Laguna president at Board member ng Lalawigan ng Laguna.
Konsehal, noon ka lang ba may escorts o maraming beses na? Hindi ba mas nasayang ang taxpayers money sa pag escort sayo? Wala bang ibang paraan para maka atend ka ng sessions ng hindi nag aala " vip" sa lansangan? Lahat ba ng konsehal sa bayan niyo ay may escorts para sa " traffic assistance "?
Konsehal ayon sa memorandum ng PNP at LTO ay limitado lang sa hindi hihigit sa siyam na public officials ang legal na puede magkaroon ng escorts: kabilang dito ang presidente, vice president, Senate president, Speaker at Supreme Court Chief Justice. Wala sa listahan ang konsehal, PCL President o Board Member ng Lalawigan.
Lahat ng motorista ay dumadanas ng matinding traffic. Hindi lang ikaw konsehal. At hindi lang ikaw ang may mahalagang pupuntahan. Mahirap maunawaan ng mga motoristang kasabay mong nasa tindi ng traffic ang asal mo bilang konsehal.
At nawa'y hindi ka pamarisan ng ibang opisyal sa inyong lalawigan.
Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isipan ng ilang politiko ang salitang binaggit ng dating Senate President Jose Avelino " What are we in power for!"
Si Arvin Laude Mangulat ay konsehal pa lamang.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
