KUYA JR 'BARBAS' VALLEJO MAGBABALIK-SERBISYO SA KABABAYANG JONESIANS

NAGHAIN na ng kanyang kandidatura bilang Konsehal ng Bayan si businessman/PR man/ sportsman at public servant JR ' Barbas' Vallejo sa Munisipalidad ng Jones, Lalawigan ng Isabela .

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

10/7/20241 min read

NAGHAIN na ng kanyang kandidatura bilang Konsehal ng Bayan si businessman/PR man/ sportsman at public servant JR 'Barbas' Vallejo sa Munisipalidad ng Jones, Lalawigan ng Isabela .

Ang digital creator, kaibigan ng Jonesians mula kabataan, adults hanggang senior citizens na kanya nang napaglingkuran ay nag- file ng certificate of candidancy (CoC ) kamakalawa sa Comelec ng bayan bilang independent candidate kasama ang kanyang kapamilya at malalapit na kaibigan.

"Gusto ko pong balikan ang posisyon na dati nyong ipinagkatiwala sa akin independent candidate po ang inyong lingkod pero magiging boses ng mamamayang Jonesians," pahayag ng aspirante para konsehal ng bayan niyang nais na iangat ang kabuhayan at maging instrumental siya sa malaon niyang pangarap maging pinaka- progresibong bayan ang Jones at asensadong Jonesians.

Si Kuya Barbas Vallejo na isang lehitimong miyembro ng fraternal order of Eagles-Philippine Eagles ang instrumental bilang host ng matagumpay na Humantarian Medical Mission at Feeding Program, sa Jones na isinakatuparan ng TFOE CLR 45 na pinamumunuan ni Gov. Rafael Agcaoili.

Sa mga nakaraang panahon , nasa poder man o wala pa sa posisyon ay patuloy ang kanyang misyon n mapaglingkuran ang mahal niyang Jonesians.