LACUAA 9th Season... ASIATECH JAGUARS ANGAT SA ST. VINCENT COLLEGE, 105-97

UMISKOR ng ikatlong sunod na wagi ang ASIATECH Jaguars pero di tulad ng nakaraang laban, dumaan sila sa butas ng karayom bago naitakas ang panalo.

SPORTS

Danny Simon

12/11/20231 min read

UMISKOR ng ikatlong sunod na wagi ang ASIATECH Jaguars pero di tulad ng nakaraang laban, dumaan sila sa butas ng karayom bago naitakas ang panalo.

Kinailangang tumodo ng puwersa ng tropa ni coach Pablo Lucas at ipagpag ang 6th man ng kalaban - ang homecrowd, bago maigupo ang host team, St.Vincent College of Cabuyao sa SVC Gym sa Laguna, 105-97 sa pagpapatuloy ng 9th Season Laguna Colleges and Universities Athletic Association( LACUAA) men's basketball competition.

Bagama't hindi siya ang topscorer, tinanghal na best player si Joas Olivar (25 pts) dahil sa kanyang endgame heroics katuwang ang 2× best player na si

Pablo 'Loloy Lucas na may 22 pts. Si Jaby Montoya ang highest pointer sa kanyang game high 27 puntos.

Isa sa naging susi sa tagumpay ng Jaguars ang determinasyon at kakayahang i-handle ang pressure sa oras at homecourt advantage ng St. Vincent's.

"Sa kabila ng box- in -1 depensa ng St. Vincent kay 2 times topscorer ( Loloy) Pablo Lucas III ay kumamada pa din siya ng 22 pts kasama na ang kanyang 7-0 run sa huling 5 minuto ng laban kung saan ay naka-tabla ang mga bata, 99-all at naging daan upang lumamang, di na lumingon pa tungo sa ikatlong sunod na panalo kaagapay sina Jabby Montoya, Jericho Mateto at Quinto Bros. Team effort produce positive result," pahayag ni ASIATECH coach Pablo Lucas.

"Nag- stick lang kami sa game plan. Although nag -struggle dahil sa foul trouble ni Loloy at naupo ng matagal. Good thing our boys never gave up at na -execute naman ang mga play at defensive rotation", ani pa Lucas kasabay ng pasasalamat sa team management partikular kina sports coordinator Joel Reyes at team owners M'dam Shelaline G. Llave at Mr. Noel Barraquio.