Lady Archers rumesbak kontra Lady Tams via double OT, 73-70!

Nakaresbak ang De La Salle University mula sa kanilang first-round loss nito sa Far Eastern University, nang maitakas ang epikong second overtime win, 73-70, para maibomba ang estado sa UAAP Season 86 Women's Basketball Tournament sa Final Four sa SM Mall of Asia Arena, Sabado.

UAAP

11/5/20232 min read

Standings

Women

NU 8 1

UP 7 2

UST 7 2

Ateneo 6 3

DLSU 4 6

AdU 3 7

FEU 3 7

UE 0 10

Games on Sunday

(SM Mall of Asia Arena)

9 a.m. – NU vs UST (Women)

11 a.m. – UP vs Ateneo (Women)

2 p.m. – UE vs FEU (Men)

6 p.m. – UP vs DLSU (Men)

Nakaresbak ang De La Salle University mula sa kanilang first-round loss nito sa Far Eastern University, nang maitakas ang epikong second overtime win, 73-70, para maibomba ang estado sa UAAP Season 86 Women's Basketball Tournament sa Final Four sa SM Mall of Asia Arena, Sabado.

Umangat ang Lady Archers sa 4-6, 2.5 laro na lang sa likod ng fourth-running Ateneo de Manila University, may apat na laro na natitira.

"We needed to stay in the game, be smart, really want to win. Yung possession for possession game weneed to be very good executing offensively while defensively, wanting the ball more than FEU and it showed during the last stops of the game," hayag ni Lady Archers head coach Cholo Villanueva.

Ang layup ni Josee Kaputu para sa FEU ang huling deadlock sa giyera sa ikalawang dagdag na yugto nang ibuhos ni Bea Dalisay ang isang three-pointer sa sumunod na tikada upang bigyan ang La Salle ng kalamangan sa natitirang 3:16, 69-66.

Bagama't nagbigay sina Kaputu at Shane Salvani ng mga puntos para sa Lady Tamaraws, sina Luisa Dela Paz at Lee Sario ang gumawa ng mga counter para sa Lady Archers. Sa nalalabing 21.7 segundo, na-foul si Sario kasama ang kanyang koponan sa unahan 72-70, na hinati ang kanyang mga free throws upang iwanan ito sa isang larong one-possession. Gayunpaman, salto ang pasa ni Salvani sa loob na naharang ng Lady Archers, daan para humilakbot ang FEU para aksayahin ang oras.

Ang Lady Tamaraws ay humakot ng maraming turnovers sa fourth quarter at overtime, na bumangon mula sa 54-58 deficit sa 1:20 na natitira (4th) at isang 61-64 hole may 19.6 segundo ang nalalabi (unang OT).

"It boils down to pangalawang overtime na eh, so pinaghirapan na namin ito, ayaw na namin siya mawala sa kamay namin," sambit ni Dalisay, na may 11 points, tatlong rebounds, at tatlong assists.

Nagdagdag si Sario ng 11 points at 13 rebounds, habang si Bettina Binaohan at Bernice Paraiso ay may tig -10 puntos. (Enjel Manato)

Iskor:

DLSU 73 – Dalisay 12, Sario 11, Binaohan 10, Paraiso 10, Dela Paz 9, Mendoza 9, Sunga 6, Barcierto 4, Delos Reyes 2, San Juan 0.

FEU 70 – Kaputu 20, Manguiat 16, Salvani 13, Delos Reyes 7, Antonio 5, Aquino 4, Ong 3, Dela Torre 2, Nagma 0, Caringal 0.

Quarterscores: 15-20, 30-35, 44-46, 58-58, 64-64, 73-70