Lady Eagles dinagit ang Final Four
Nakumpleto ng Ateneo de Manila University ang UAAP Season 86 Women's Basketball Final Four cast matapos talunin ang laglag sa kontensyong Far Eastern University, 79-66, Linggo sa SMART Araneta Coliseum.
UAAP
11/13/20232 min read


Women
*NU 11 1
*UP 9 3
*UST 9 3
*Ateneo 8 4
DLSU 5 7
AdU 3 9
FEU 3 9
UE 0 12
*Final Four
Games Wednesday
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – UE vs Ateneo (Men)
1 p.m. – UP vs UST (Men)
4 p.m. – DLSU vs FEU (Men)
6 p.m. – NU vs AdU (Men)
(Smart Araneta Coliseum)
9 a.m. – UST vs FEU (Women)
11 a.m. – Ateneo vs DLSU (Women)
1 p.m. – UP vs UE (Women)
3 p.m. – NU vs AdU (Women)
Nakumpleto ng Ateneo de Manila University ang UAAP Season 86 Women's Basketball Final Four cast matapos talunin ang laglag sa kontensyong Far Eastern University, 79-66, Linggo sa SMART Araneta Coliseum.
Dinakma ng Blue Eagles ang 8-4 baraha upang manatili sa pagsilo para sa twice-to-beat edge sa post-season habang ang joint-second University of the Philippines at University of Santo Tomas ay isang laro lamang sa 9-3.
Ang panalo ay nangangahulugan din ng pagtatapos ng daan para sa De La Salle University, na may hawak na 5-7 karta, hindi sapat para habulin ang Ateneo na may dalawang laro na lang. Magkaharap sila sa Miyerkules.
"That was our initial goal, to make the Final Four so we made the last bus... Last year, we were just happy to make the Final Four but now, we're looking forward to more," sambit ni Ateneo head coach LA Mumar.
Angat lang ng siyam pagkatapos ng ikatlong yugto, nagtulungan sina Sarah Makanjuola, Aishie Solis, at Junize Calago sa maalab na pagsisimula ng Blue Eagles sa ika-apat, na binigyang-diin ng coast-to-coast at-isang hakbang ni Kacey Dela Rosa, upang magtatag ng commanding 19 -puntos na ungos may 4:54 na natitira sa laro.
Naghatid si Dela Rosa ng obra maestra na 27 puntos sa 11-of-14 shooting mula sa field para umabot ng 12 rebounds at tatlong blocks.
"Siguro huwag lang kami makuntento kung nasaan kami ngayon. Push pa kasi we're really going talaga sa championship," saad ng Season 85 Rookie of the Year. EM
Iskor:
Ateneo 79 –Dela Rosa 27, Makanjoula 14, Villacruz 13, Calago 11, Solis 7, Gastador 4, Joson 3, Nieves 0, Eufemanio 0, Angala 0, Cancio 0, Tan 0, Malaga 0, Chan 0, Fetalvero 0.
FEU 66 – Nagma 18, Kaputu 13, Salvani 12, Del Prado 10, Manguiat 5, Aquino 2, Paras 2, Ong 2, Dela Torre 2, Delos Santos 0, Pasilang 0, Lopez 0, Caringal 0.
Quarterscores: 25-19, 39-29, 59-51, 79-66
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato