Lady Falcons umeskapo vs Lady Warriors, 71-66
Umeskapo ang Adamson University buhat sa determinadong ratsada ng University of the East, para maitarak ang 71-66 panalo at panatilihing buhay ang manipis nitong Final Four sa UAAP Season 86 Women's Basketball Tournament noong Sabado sa SM Mall of Asia Arena.
UAAP
11/5/20232 min read


Games on Sunday
(SM Mall of Asia Arena)
9 a.m. – NU vs UST (Women)
11 a.m. – UP vs Ateneo (Women)
2 p.m. – UE vs FEU (Men)
6 p.m. – UP vs DLSU (Men)
Umeskapo ang Adamson University buhat sa determinadong ratsada ng University of the East, para maitarak ang 71-66 panalo at panatilihing buhay ang manipis nitong Final Four sa UAAP Season 86 Women's Basketball Tournament noong Sabado sa SM Mall of Asia Arena.
Pinutol ng Lady Falcons ang tatlong sunod na pagkatalo para iangat ang kanilang record sa 3-7 sa ikapitong puwesto — 3.5 laro sa likod ng fourth-running Ateneo Blue Eagles. Naisalang ang panalo matapos i
Ipamalas ng Lady Falcons na kaya nilang lampasan ang mga sandali ng papaupos na aksyon.
“I think these kinds of games will help us to gain more experience will help us to gain more experience (in) grind-out games,” sambit ni first-year Lady Falcons head coach Ryan Monteclaro.
“Kudos to UE. Galing ng adjustment. In the first round, we were able to beat them by 30 points, pero today grabe yung adjustments nila. These types of games are the things that we need moving forward,” pakli pa ni Monteclaro, makaraang ang kanilang 71-41 victory sa unang ikutan noong October 15.
Matapos mag-iskor ng free throws si Paulina Anastacio ng UE upang bawasan ang depisit sa 65-64 may 1:58 na lang, nabigo ang Lady Warriors na ibalik ang takbo matapos ang Malienne center na si Kamba Kone ay gumawa ng magastos na turnover.
Pagkatapos ay sinamantala ng Lady Falcons ang sitwasyon. Nag-ugnay sina Victoria Adeshina at Apag sa clutch para ihatid ang panalo para sa Adamson sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang koponan ng mahalagang 69-64 cushion may 1:15 na nalalabi.
Binuksan ni Minslie Paule nang bahagya ang pinto para sa isang himala ng UE sa pamamagitan ng pagko-convert ng dalawang free throws para gawin itong 69-66, para lamang pinatulog ni Adeshina ang laro para sa Adamson na may isa pang clutch basket may 15.6 segundo ang natitira sa orasan.
“At first, I would like to say don’t ever underestimate any of your opponents,” saad ni Adeshina, na kumaldag ng 10 points, 10 rebounds, at dalawang steals. (Enjel Manato)
Iskor:
AdU 71 – Apag 19, Etang 11, Adeshina 10, Alaba 10, Limbago 7, Bajo 4, Meniano 4, Dampios 2, Dumelod 2, Padilla 2, Agojo 0, Cortez 0, Tano 0.
UE 66 – Kone 14, Pedregosa 11, Dela Rosa 9, Burgos 8, Anastacio 7, Paule 7, Ruiz 5, Lorena 3, Ronquillo 2, Delig 0, Yanez 0.
Quarterscores: 16-13, 37-30, 49-51, 71-66.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato