LANAO REGU TRIO GOLD SA BP GENSAN PENCAK SILAT

GENERAL SANTOS CITY- Humataw ng ginto ang Team Lanao upang pumasok sa medal board sa Regu category event ng pencak silat sa Day 2 ng Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 sa SM General Santos Activity Center dito .

SPORTS

ni Enjel Manato

10/27/20251 min read

GENERAL SANTOS CITY - Humataw ng ginto ang Team Lanao upang pumasok sa medal board sa Regu category event ng pencak silat sa Day 2 ng Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 sa SM General Santos Activity Center dito .

Sa giya at motibasyon ni ni head coach Jamel Hussein Matombsar, eleganteng ipinamalag trio nina Junaem Rachman, Muhammad Hussein Tanaon at Abdurahman Baro ng Secap MSU ILS ng Marawi, Lanao Del Sur sa kanila pasiklab na golden performance ng kaganapang inorganisa ng Philippine Sports Commission.

" Masaya ang ating mga atleta dahil nakuha namin ang aming first gold.Optimistiko po tayo na madaragdagan pa ang ating medals of any color para sa aming LGU",wika ni coach Jamel na nagpasalamat sa kanìlang numero unang sumuporta na si Marawi City Mayor Sharef Gandamra at host ng Batang Pinoy na si General Santos City Mayor Lorelie G. Pacquiao.

Dahil sa panalo ay optimistiko si Jamel na dadami pa ang mga kabataang mahihilig maglaro ng pencak silat para maging national athlete sa hinaharap katuwang si coach Ammir Husain Macapaar at sa buong suporta ni Marawi Mayor Sharief Gandamra.

Ang higit 'sang linggo hostilidad para sa kabataan ay magtatapos dito sa 'Magandang Gensan' Wow.. Home of the Champions, sa pakikipagtulungan ng Yakult, MILO, Summit Drinking Water, Cynergy Artworks at Pocari Sweat sa Oktubre 31.

TRIO'S WINNING FORM!

Head coach Jamel Hussein Marohombsar and Junaem Rachman