LANI CAYETANO SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA
NAGPAHAYAG ng kanyang buong suporta si public servant/ sports enthusiast Taguig City Mayor Lani Cayetano sa misyon ni chess AGM Marlon Bernardino sa kanyang nakatakdang pagpayanig sa prestihiyosong torneo ng ahedres sa down under Australia.
SPORTS
Danny Simòn
2/9/20251 min read


NAGPAHAYAG ng kanyang buong suporta si public servant/ sports enthusiast Taguig City Mayor Lani Cayetano sa misyon ni chess AGM Marlon Bernardino sa kanyang nakatakdang pagpayanig sa prestihiyosong torneo ng ahedres sa down under Australia.
Ang pinakamalaking dahilan ng pag-asenso at progreso ng Lungsod Taguig na si Mayor Lani ay isang taal na chess enthusiast ( maybahay ni Senator Alan Peter Cayetano na tunay ding entusyastiko sa palakasan tulad ng basketball at chèss at siya rin. an instrumental sa overall championship ng Pilipinas noong 2019 SEAGames hosting bilang chairman ng PHISGOC) ,ay nagpahayag ng agapay kay Australia-bound Pinoy chesser Bernardino noong nagkàdaupang -palad sila sa kaarawan ni business icon Sebastian 'Baste Chua at on the spot ay aprubado ang assistance para ng manlalarong Pilipino na nakapag- aambag ng karangalan sa bansa.
"Ang mga manlalarong tulad niya ( Bernardino) ay marapat lang na tinutulungan dahil nakapag-aambag naman siya ng karangalan sa bansa" , sambit ng sure winner na reelectionist Mayor Lani Cayetano.
Ang 47-anyos na si Bernardino na isa ring mamamahayag ay nakatakdang sumabak sa Melbourne International Open 2025 sa Abril 7-14, 2025 sa Melbourne, Australia at sa Sydney International Open 2025 na gaganapin sa Abril 23-27 sa Novotel West, Rooty Hill sa Sydney, Australia.
Suportado ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang misyong magtagumpay si chess AGM Marlon Bernardino sa kanyang laban sa prestihiyosong Australia chess championship.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato