Laron nagpasalamat sa Malabon...DP SEALIONS HAHARAPIN ANG SAN JUAN SA SINAG40

MISYON ng DP Sealions ang umiskor ng kumbinsidong panalo kontra palabang San Juan sa pagsiklab ng Sinag40 quarterfinal round ngayon sa One Arena sa Cainta, Rizal.

SPORTS

Danny Simon

1/13/20241 min read

MISYON ng DP Sealions ang umiskor ng kumbinsidong panalo kontra palabang San Juan sa pagsiklab ng Sinag40 quarterfinal round ngayon sa One Arena sa Cainta, Rizal.

" Back to zero ang laban ngayon sa umpisa ng quarters kaya , todo- buhos ang tropang Sealions natin dahil every game counts", pahayag ni team coach/ owner Jemuel Laron kasabay ng kanyang pasasalamat sa pamunuan ng Malabon City ni Mayor Jeannie Sandoval na sumuporta sa adhikain ng Sealions tulad ng libreng paggamit sa kanilang state or the art basketball gymnasium bilang homecourt, food and drinks sa practice sa preparasyon ng team sa Sinag quarters sa kagandahang loob ni G. Gene Lacson.

Muling sasandig ang Sealions sa consistent na laro nina Enarson Navalta,Aris Tuble,Hsrold Obet Faner, Maeng Juinio, Robert Zagala ,Ryan Rodriguez, defense specialist Charles Moscoso at iba pa upang taubin ang tropa ni veteran cager Mark Reyes ng San Juan Exiles.

Katuwang ni Laron bilang bench tacticians sina Boyet Francisco at Danny Billones.

Ang bakbakang DP Sealions vs San Juan ày raratsada saktong 4: 00 ng hapon.