LBP COCKTAIL PARTY SA MAKATI
NAGDAOS ng cocktail party ang pamunuan at stakeholders ng larong baseball sa bansa.
OPINION
Danny Simon
5/23/20241 min read


NAGDAOS ng cocktail party ang pamunuan at stakeholders ng larong baseball sa bansa.
Full force mula top honchos, board directors, team owners, coaches at tri-media sa naturang piging sa Ma.Luisa Room ng Makati Garden Club na senyales na ng pagdating ng pinaka-ambisyosong liga na gigiya sa muling pagbangon ng dati nang sikat sa sport sa bansa noon pang dekada '50.
Sa pamumuno ni Liga Baseball Pilipinas Chairman Wopsy Zamora katuwang sina President Jose 'Pepe Muñoz at Executive Director Boy Tingzon, napuno ng optimismo at pag-asa ang LBP sa muling pagsigla ng paboritong pastime ng mga Pinoy noon bago sila masapawan ng larong basketball dahil sa husay ng marketing strategies at sa tulong ng tri-media.
Naroon din sa espesyal na okasyon si Philippine Baseball Association President Chito Loyzaga na isa rin sa Director ng LBP kasama sina Felipe Remollo, Mike Zialcita, Jude Torcuato at iba pa gayundin sina team owners Keiji Katayama ng KBA Stars, Kunifume Itakura ng IPPC,kinatawan ng Thunderz, Samurai, Dumaguete, NU, UST at Ateneo.
Tatlong tulog na lang ay hahataw ang pinakahihintay ng bayang beysbolista kung kaya sa araw ng Linggo, Mayo 26 ay tiyak na dadagsa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate ang lahat ng entusiyastiko sa larong baseball na sa pambungad pa lang ng LBP seremonya ay huhudyat na ang pagbalik-sigla ng thinking sport na baseball..mismo! ..ABANGAN!!!
LOWCUT: Maraming plano ang NSA ng baseball para sa tuluy-tuloy na pagbalik-sigla partikular ang renobasyon ng makasaysayang stadium ayon kay PABA chief Loyzaga na magiging posible sa tulong ng Philippine Sports Commission. Nightgames at state of the art scoreboard, si Bos Wopsy ang bahala diyan! MISMO!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato