IN GOD WE TRUST
LBP NI WOPSY AT PEPE BAROMETRO NG TALENTO SA UAAP BASEBALL
MATAGUMPAY na nagtapos ang 2nd season ng Liga Baseball Philippines( LBP) Celebrity Cup 2026 na humataw sa Taguig City.
SPORTS
DAANY SIMON
10/23/20261 min read


MATAGUMPAY na nagtapos ang 2nd season ng Liga Baseball Philippines (LBP) Celebrity Cup 2026 na humataw sa Taguig City.
Ang naturang amateur/ commercial baseball league na itinatag nina Chairman Wopsy Zamora, President Pepe Munoz at iba pang stakeholders ay naging kapaki-pakinabang particular sa mga lumahok na collegiate teams na naghahanda para sa paparating na kumpetisyon ng susunod na edisyon ng kanilang scholastic sport.
Kailangang maidepensa ng 3- peat UAAP champion National University BULLDOGS ang titulo nito at maipagptuloy ang winning tradition sa 4- peat Kaya ang paglahok nila sa LBP ay nagpahasa ng husto sa husay ng tropa ni Wopsy na tumapos ng segunda sa LBP
Gayundin ang Unicorns ng DeLaSalle ni Ka Pepe na tumersera sa liga.
Tumalim din nang husto ang mga palabang koponan mula UST at Ateneo de Manila University kaya handa na sila sa next UAAP season.
Tinanghal na kampeon ang Katayama Baseball Academy( KBA) Stars ni Japanese national Philippine based Keiji Katayama na binanderahan ng mga manlalaro na naging miyambro ng national team noon na mistulang na kapag - contribute ng dagdag talento sa mga student athletes na baseball players na kanilang nakatunggali.
Kaya sa pagsambulat ng susunod ba UAAP baseball season ay halos balanse na sa firepower ang bawat koponan kaya asahan ang mga exciting na bakbakan sa baseball diamond na malamang ay hahataw sa bagong bihis na state- of - the-
art Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Manila.
Kung walang LBP, tiyaga na lang ang mga batang UAAP sa pitsi- pitseng praktis at laban. Hats Off at PUGAY kay Wopsy at Ka Pepe. LBP.. MABUHAY!
Championship series MVP Lord Aragon de Vera habang kinakamayan ni LBP Chairman Wopsy Zamora kasama si President Pepe Munoz.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
