IN GOD WE TRUST
LBP: NU BULLDOGS AT DLSU UNICORNS GIRIAN NA SA UNAHAN
Sa pagpapatuloy ng girian sa Liga Baseball Philippines Season 2 Celebrity Cup, nananatiling dikit sa liderato ang 3-peat UAAP champion National University Bulldogs at arch rival na De La Salle University Unicorns.
SPORTS
Ni Danny Simon
7/10/20261 min read


Sa pagpapatuloy ng girian sa Liga Baseball Philippines Season 2 Celebrity Cup, nananatiling dikit sa liderato ang 3-peat UAAP champion National University Bulldogs at arch rival na De La Salle University Unicorns .
Binubuntutan ng tropang Wopsy Zamora na Bulldogs 3-1 sa timon ni coach Romar Landicho at Unicorns , 3-2 ni Pepe Munoz sa giya ni Joseph Orillana ang bumabanderang KBA Stars 4-0 ni team owner Keiji Katayama , Japanese national based in the Philippines.
Parehong 2-2 ang kartada ng Muralla Dawgs ,University of Santo Tomas at Philippine Air Force habang namemeligro ang Ateneo Wolves 1-3 at di pa pumapasok sa win column ang Dumaguete.
“ In the long run pag di nag- ingat ang frontrunning KBA ay baka manariwa ang rivalry namin ng DLSU pag nagkataon ay always ready ang NU”, wika ni Zamora na top brass din ng LBP.


Zamora
Pepe Munoz
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
