LBP TINGZON CUP: IPPC HAWKS NADAGIT ANG GAME ONE FINALS KONTRA UST TIGERS
NASAGIP ng Itakura Parts Philippines Corp. (IPPC) Hawks ang panalo sa peligrosong laban kontra University of Santo Tomas (UST) Tigers, 9-5 via come from behind victory upang angkinin ang game one, best of three finals ng Liga Baseball Philippines (LBP) Tingzon Cup nitong weekend sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Manila.
SPORTS
Danny Simon
8/13/20241 min read


NASAGIP ng Itakura Parts Philippines Corp. (IPPC) Hawks ang panalo sa peligrosong laban kontra University of Santo Tomas (UST) Tigers, 9-5 via come from behind victory upang angkinin ang game one, best of three finals ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup nitong weekend sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Manila.
Di gaano naging epektibo ang starting pitcher ni Hawks' coach Orlando Binarao kung saan sunud -sunod na walks na nasundan pa ng hit ang ikinamada kaya naunahan sila ng Tigers ng apat na runs sa first inning pa lang.
"Kailangan nmin ang game 1 na yon kaya first 9 na kaagad ang tinaya ko lalo ang pitcher ko si Caasalan.
Gayunpaman, tiwala naman ako sa mga players ko na kaya nila i-overcome ang 4 runs na advantage ng kalaban at mabuti ay naunti- unti namin hanggang naka- tie kami sa 5 runs plus nag- commit sila ng errors kaya umiscore kami ng 3 runs para lumamang sa 6th inning." sambit ni coach Binarao.
Nakapuntos pa ang tropang Itakura ng 1 run sa 7th innings at nakontrol na ng pitcher ang mound hanggang sa last bat ng kalaban.
Papalo ang game 2 finals ng IPPC at UST para sa kamponato ng ligang itinatag nina Chairman Wopsy Zamora, Pres.Pepe Munoz at Executive Director Boy Tingzon. Ang LBP Tingzon Cup ay ipinangalan bilang parangal kay legendary baseball leader Rodolfo Tingzon, Sr.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato