LBP Tingzon Cup: IPPC HAWKS RERESBAK, KUNG PAPAYAG ANG NU BULLDOGS

DETERMINADONG bumalikwas mula sa pagka-upset ng powerhouse IPPC (Itakura Parts Philippines Corporation) Hawks sa pagharap nito kontra newly-crowned UAAP champion National University Bulldogs sa ikalawang weekend bakbakan ng Liga Baseball Philippines (LBP) Tingzon Cup sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

SPORTS

Danny Simon

6/7/20241 min read

DETERMINADONG bumalikwas mula sa pagka-upset ng powerhouse IPPC (Itakura Parts Philippines Corporation) Hawks sa pagharap nito kontra newly-crowned UAAP champion National University Bulldogs sa ikalawang weekend bakbakan ng Liga Baseball Philippines (LBP) Tingzon Cup sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

Ang Hawks ni team owner Japanese national Philippine -based Kunifumi Itakura ay nahataw ng Samurai U-18 noong unang salang ng koponan dahilan upang maging puspusan ang kanilang ensayo na bilang paghahanda aa Bulldogs na binubuo ng mga mas batang batters na diniskubre mula sa mga tuklas na talento sa timon ni NU coach Romar Landicho.

IPPC HAWKS

IPPC Hawks team owner Kunifumi Itakura

"Ready na makabawi ang ating IPPC Hawks,we will barge into win column", pahayag ng tumatayong spokesperson ni Itakura na si Iris Magpantay na siya ring tagapangasiwa ng koponan.

Ayon naman kay Landicho, bagama't higher level ito ng competition kumpara sa pinaghariang UAAP ay handa rin aniya ang Bulldogs na makaisa kontra mas eksperiyensadong katunggali na IPPC.

Tuloy aniya ang kanilang misyong pagharian din ang ligang itinatag nina LBP Chairman Amando 'Wopsy Zamora,President Jose ' Pepe Munoz , Executive Director Rodolfo 'Boy Tingzon at Board of Directors sa pangunguna ni PABA Chief Chito Loyzaga.

Maghahatawan naman bandang alauna ng hapon ang Samurai kontra Dumaguete batters.