LBP Tingzon Cup: IPPC NI ITAKURA BINOMBA ANG KBA NI KATAYAMA SA BATTLE OF TEAM JAPS SA RIZAL DIAMOND

PATULOY ang pamamayagpag ng Itakura Parts Philippines Company (IPPC) sa eliminations ng Liga Baseball Philippines (LBP) Tingzon Cup Sabado ng umaga sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

SPORTS

Danny Simon

7/6/20241 min read

PATULOY ang pamamayagpag ng Itakura Parts Philippines Company (IPPC) sa eliminations ng Liga Baseball Philippines (LBP) Tingzon Cup Sabado ng umaga sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

Ang IPPC Hawks ni businessman / sportsman/Ph baseball consultant Kunifumi Itakura ay ginapi ang KBA Stars ni Corporate Executive/ sportsman/ ph national team coaching consultant Keiji Katayama,8-4 upang manatili sa top spot sa team standing sa kanilang 5-1 marka.

Umiskor ang Hawks ni head coach Orlando Binarao ng anim na runs sa 4th inning na at sunod- sunod na hits, tapos nag error din cla sa opensa.

Nang pumalo ang KBA Stars ay kumamada din cla ng 2 runs at pagsapit ng 5th inning umiscor pa ng 1 run ang KBA,

Sa puntong iyon ay kaya pinalitan ni coach Binarao si pitcher Kenneth Delos Santos at pinasok na ang kanyang ace winning pitcher na si Lyle Caasalan tungo sa pagtala ng 5-1 panalo- talo at manatiling nasa ituktok ng team standing ng torneong inorganisa nina LBP Chairman Wopsy Zamora,President Pepe Munoz at Executive Director Boy Tingzon.

" Nakapag- adjust na ang ating Hawks sending s strong message to other teams.Sana tuluy-tuloy ang momentum," wika ni coach Binarao.

Bukod sa IPPC at KBA, ang iba pang kalahok ay ang Thunderz, Ateneo, Samurai, UST, NU at Dumaguete Unibikers.

IPPC Hawks in huddle