LBP TINGZON CUP: NU VS THUNDERZ -KBA VS ATENEO
MAGHIHIWALAY ng landas ang UAAP champion National University Bulldogs at PK Holdings Thunderz sa kanilang paghaharap ngayong umaga sa pagpapatuloy ng Liga Baseball Philippines Tingzon Cup sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
SPORTS
Danny Simon
6/28/20241 min read


MAGHIHIWALAY ng landas ang UAAP champion National University Bulldogs at PK Holdings Thunderz sa kanilang paghaharap ngayong umaga sa pagpapatuloy ng Liga Baseball Philippines Tingzon Cup sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
Ang Bulldogs Amigos at Thunderz ay parehong may kartadang 3-1 panalo-talo kang saan ang mangingibabaw ay tatabla sa leading IPPC Hawks na may 4-1 kartada.
Ang NU ay binubuo ng mga manlalarong produkto ng UAAP 86th season champion sa timon ni coach Romar Landicho.
Matapos ang umagang bakbakan ay susundan ito ng hatawan sa pagitan ng KBA Stars ni Keiji Katayama kontra winless na Ateneo Blue Eagles bandang ala-una ng hapon.
Ang tropang Stars na may kartadang 1-2 ay nagnanais na makabalikwas kontra Eagles na di pa pumapasok sa win column 0-3.
Ang LBP Tingzon Cup ay inorganisa nina Chairman Wopzy Zamora, President Pepe Muñoz at Boy Tingzon na naglalayong ibalik ang glorya ng Philippine baseball.
Ang iba pang koponang kalahok ay ang Dumaguete Unibikers, Samurai Philippines at UST Tigers.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato