LBP Tingzon Cup semifinals: NU TWICE TO BEAT VS UST
BITBIT ng UAAP'86 champion National University ang winning tradition nito hanggang sa Liga Baseball Pilipinas( LBP) matapos itong mangibabaw sa elimination round at awtomatikong maging twice to beat team papasok ng semifinal round.
SPORTS
Danny Simon
7/17/20241 min read


BITBIT ng UAAP'86 champion National University ang winning tradition nito hanggang sa Liga Baseball Pilipinas( LBP) matapos itong mangibabaw sa elimination round at awtomatikong maging twice to beat team papasok ng semifinal round.
Makakatunggali ng NU Bulldogs ang UST Tigers para sa crossover semis ng ligang inorganisa nina LBP Chairman Wopsy Zamora , President Pepe Munoz at Executive Director Boy Tingzon.
"Tuloy pa rin kung anong ginagawa namin as a team.
Tulungan lang, lalo na sa depensa. Andun pa rin ang mentality and focus namin para makuha ang championship sa LBP." wika ni Bulldogs head coach Romar Landicho na nagpugay din sa kanyang assistants na sina coach Robin Go at coach Mon Espina.
Maghahatawan naman ang Itakura Parts Philippines Corp.( IPPC Hawks)ni Ph baseball consultant Kunifumi Itakura kontra Thunders sa isa pang semis berth.
Nakatakda ang bakbakan sa susunod na weekend.
Ang Tingzon Cup ay ipinangalan bilang parangal sa legasiya ni baseball leadership icon Rodolfo Tingzon, Sr.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato