IN GOD WE TRUST
LCSP: Hindi tututol sa resonableng pansamantalang taas ng pasahe
Nakatakdang pag-aralan at desisyunan ng LTFRB ang mga fare hike petitions sa public transport.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
7/23/20261 min read


Nakatakdang pag-aralan at desisyunan ng LTFRB ang mga fare hike petitions sa public transport.
Dahil hindi naman ginawa ng pamahalaan ang panawagan na suspindihin muna ang pagpataw ng excise tax sa petroleum products sa dahilang bilyon daw ang mawawala sa buwis. Sayang dahil mabawas man yan sa buwis ay sigurado naman bayan ang makikinabang. Hindi tulad ng trillion piso ang nanakaw at iilan lang mga makapangyarihan ang nakinabang.
Hikahos na ang public transport natin. Hindi puwede na umasa lamang sa ayuda. Bagamat makakatulong ang ayuda , hindi naman galing sa bulsa ng mga opisyal yan kung hindi sa kaban din ng bayan.
Naniniwala ang LSCP na mababalanse ng LTFRB ang interest ng mananakay at hanapbuhay ng mga taga public transport. Sa pangkahalatan ay tinitingnan din ng LTFRB ang impact ng taas pasahe sa inflation rate. Dahil ang taas pasahe ay may epekto rin sa taas ng presyo ng mga consumer products at iba pa. Ang taas pasahe rin ay dagdag gastos sa pamilya na araw- araw na nag cocomute papunta sa trabaho, paaralan at iba pang pupuntahan.
Ang mga problema kaya ng public transport ay mababanggit sa SONA ni PBBM? Abangan.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
