IN GOD WE TRUST

LCSP SUPORTADO ANG LTFRB SA PAG REGULATE NG MOTORCYCLE TAXI

Ilan taon din na sa ilalim ng isang pilot test ang operasyon ng mga motorcycle taxis na app based. Isang Technical Working Group ang namahala ng pilot test na inabot na ilan taon.

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

8/8/20261 min read

Ilan taon din na sa ilalim ng isang pilot test ang operasyon ng mga motorcycle taxis na app based. Isang Technical Working Group ang namahala ng pilot test na inabot na ilan taon. Bagamat ilan Kongreso na ang nakalipas ay wala pa rin batas na naipasa para ma regulate ang motorcycle taxis.

Mabuti na lamang at sa pamumuno ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza at DOTR Acting Secretary Banoy Lopez ay naglabas na ng regulation para sa operasyon ng MC Taxis.

Welcome ito sa mga libolibong pasahero ng MC Taxi. Mas mapapangalagaan ang mga pasahero at maiaayos ang operasyon ng mga MC Taxis.

May mga issues tulad ng multi homing at cap system na mukhang hati ang pananaw ng mga drayber. Ang iba nais na multi homing para hindi exclusive lamang sa isang TNC platform sila naka on board ang iba naman ay ok ito upang maiayos ang dami ng riders. Ang cap naman o alokasyon ng riders sa bawat TNC ay pinaguusapan din. Ang mga riders na " over the cap" ay bibigyan pansin din ng LTFRB para walang mc taxi driver ang mawawalan ng hanapbuhay. Pagaaralan din kung ilan mc taxi daat lamang ang papayagan magoperate upang hindi naman magkaroon ng oversuppply sa lansangan na puede maging sanhi ng cut throat competition . App based lamang ang paloob sa regulasyon at hindi ang mga tinatawag na habal habal.

Ang pakiusap lamang ng LCSP na kung sakaling may puna sa mga kasalukuyang regulasyon ay mapagusapan ito dahil umpisa pa lamang naman ito. Ang mahalaga ay sa wakas hindi na pilot test ang mc taxi at legal na ang operasyon nito.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...