LEAP PILIPINAS LAHOK SA SINAG LIGA ASYA JUNIOR WORLD SHOWCASE
TUNAY na may sinag ng pag-asa at isang malaking habang ang nakalaan para sa kabataang basketbolista nitong taong 2024.
SPORTS
Danny Simon
2/12/20241 min read


TUNAY na may sinag ng pag-asa at isang malaking habang ang nakalaan para sa kabataang basketbolista nitong taong 2024.
Ikakasa na ng Sinag Liga Asya ang malalaking torneong lokal at internasyunal na kumpetisyon na SLA Junior World Showcase na kapapalooban ng torneo sa 15 Under, 17 U,19 U at 23 U.
Ayon kay coach Airness Rhei Jordan Alao na siyang may timon sa LEAP Pilipinas,haharapin ng kanyang koponan ang mga dayong teams mula USA,Canada, Italy at UAE sa 15U at 17U sa buwan ng Hulyo ng taon kasalukuyan.
ALL Pinoy teams naman ng 19 U at 23 U ang iaarangkada ng SLA sa pamumuno nina Chairman Rocky Chan at President Ray Alao sa susunod na buwan ng Marso.
"Very thankful po ako kay God dahil kahit bago palang po kami sa coaching, nabigyan agad kami ng big opportunity to coach and represent the Philippines po. Very excited po akong tumulong sa mga magiging players namin dahil lahat naman ay dream makapaglaro at mairepresent ang Pilipinas kaya sana po maging maganda ang resulta ng stint namin na to at makatulong kami sa mga players namin na makuha po sila sa magagandang schools," wika ni Airness Alao,naging varsity player ng AMA sa NCRAA at Jose Rizal University sa NCAA.
Coach Airness Rhei Jordan Alao of LEAP Pilipinas
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato