Legends"Bata" Reyes at Marlon " Marvelous" Manalo.. SANGGANG - DIKIT SA PH BILLIARDS DEVELOPMENT
PINAGNINGNING ng presensiya nina pool legends Efren 'Bata' Reyes at host Marlon ' Marvelous' Manalo ang ginanap na billiards festival sa Mandaluyong City kamakailan.
SPORTS
Danny Simon
5/12/20252 min read


PINAGNINGNING ng presensiya nina pool legends Efren 'Bata' Reyes at host Marlon ' Marvelous' Manalo ang ginanap na billiards festival sa Mandaluyong City kamakailan.
Si "Bata" Reyes, ang alamat na manlalaro ng bilyar na kinikilala bilang isa sa pinakamahusay sa mundo, ay humanga sa talento ng mga manlalaro ng pool sa Mandaluyong, matapos talunin sa dalawang laban at manalo ng anim na laro sa kanyang one-day 10 ball exhibition. Ang kaganapan ay isa sa mga highlight ng Sangguniang Kabataan Hagdan Bato Libis billiards tournament na sumargo sa Magician Billiards Elite-Shaw ng naturang lungsod na senyales ng planadong programang palaganapin ang pagtuklas ng potensiyal na bilyaristang susunod sa kanilang yapak sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.
Sinabi ni Marlon Manalo, ang International billiard at Snooker Champion, "Humanga siya sa sigasig at pagmamahal ng mga manlalaro ng bilyar natin sa pool. Napakasigla niya sa ating mga batang manlalaro."
Tinalo si Reyes nina John Kenneth Calla at Renz Quillano.
Parehong nakatanggap sina Calla at Quillano ng P2,000 para sa kanilang pagsisikap mula kay Marlon Manalo, isang dating liga ng barangay president at national PRO.
Samantala, nanalo si James Ignacio sa 10- ball individual, segunda si Ethan Bauza at tersera si Archie Noveno.
Sinabi ni Reyes sa isang panayam sa media noong Lunes na pumunta siya sa lungsod upang tanggapin ang imbitasyon para sa isang serye ng pool exhibition.
Ngunit sinamantala niya rin ang pagkakataon upang makipagkita muli sa mga mahilig sa pool at mga matalik na kaibigan.
Si Reyes, na kilala bilang billiards' GOAT( Greatest Of All Time), ay may karera na sumasaklaw sa mga dekada. Simula sa murang edad, mabilis siyang nakilala at tinawag na "Ang Magician" dahil sa kanyang kamangha-manghang mga kakayahan sa pagtumbok.
Nanalo si Reyes ng mahigit sa 100 propesyonal na paligsahan, kabilang ang mga prestihiyosong kaganapan tulad ng WPA World Nine-Ball Championship, ang US Open Nine-Ball Championship, atWorld Cup of Pool.Siya ang unang Asian na tinanghal sa Billiard Congress of America’s Hall of Fame. Sa labas ng mesa, si Reyes ay pinarangalan dahil sa kanyang pagpapakumbaba at sportsmanship, na ginagawa siyang isang mahal na pigura sa komunidad ng pool sa buong mundo.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato